top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bigas at petrolyo, back-to-back taas-presyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2023
1 min read

@Editorial | August 1, 2023


Kamakailan nang sabihin ni Pangulong Bongbong Marcos na posibleng tumaas ang presyo ng bigas matapos mapaulat ang pinsala sa agrikultura dulot ng Super Bagyong Egay.

Sinabi ng Pangulo na nag-aalala siya sa supply ng lokal na bigas kaya kailangan umanong palakasin ang stocks para masiguro na handa ang Pilipinas sa epekto ng El Niño sa agrikultura kaya hihingi sila ng supply deal sa India.

Kasunod nito, inanunsyo naman ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo. Hindi lang basta pagtaas kundi bigtime oil price hike.

Batay sa pagtaya ng mga nasa sektor ng enerhiya, aabot ng hanggang P3.50 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel habang hanggang P3.20 naman sa kada litro ng kerosene. Mas mababa naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina na hanggang P2.10.

Ang panibagong oil price hike ay bunsod umano sa pagtapyas sa produksyon ng langis ng Saudi Arabia at Russia na malaking pinagkukunan ng supply ng maraming bansa sa mundo.

Sa mga ganitong sitwasyon na may dagdag-presyo sa bigas o sisirit ang halaga ng petrolyo, wala namang magagawa ang publiko kundi ang magkamot-ulo.


Kung ang gobyerno nga ay kinakabahan, ano pa kaya ang mamamayan?


Sana ay dumating ang pagkakataon na hindi na tayo lubusang nakadepende sa importasyon. Sana ‘yung mga ‘yaman’ na meron tayo ay mas mapagyabong at kaya nang suplayan ang pangangailangan ng bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page