top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Big hook, nanalo sa Handicap System

  • BULGAR
  • Jul 5, 2022
  • 1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 5, 2022


Hindi binigo ni Big Hook ang kanyang mga tagahanga matapos angkinin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Linggo ng hapon.


Napalaban ng todo si Big Hook sa rektahan bago tinawid ang meta.


Nirendahan ni Jomer Estorque, nasa pang-limang puwesto si Big Hook sa unang 100 metro ng laban habang naglulutsahan sa unahan sina Jade's Treasure, Don Damiano at Signature Move.


Pero papasok pa lang sa kalagitnaan ng karera ay umuusad na papalapit sa unahan si Big Hook at dito sila nagdikdikan ni Jade's Treasure.


Pagsungaw ng huling kurbada ay kalahating kabayo ang lamang ni Big Hook kay Jade's Treasure kaya nagkaroon ng matinding labanan sa rektahan.


Nanatili ang tikas ni Big Hook at nanalo ito ng may dalawang kabayong agwat sa nasegundong Jade's Treasure.


Inirehistro ni Big Hook ang tiyempong 1:21 minuto sa 1,300 meter race sapat upang hamigin ang P5,000 na added prize.


Tumersero si Arrows Up habang pumang-apat si Heirlom sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagpakitang gilas din si Shalom sa Condition Race na pinakawalan sa pang-anim na karera.


Ginabayan ni jockey AM Tancioco, inilista ni Shalom ang 1:02.6 minuto sa 1,000 meter race, dumating na segundo si Konzeelanz, habang tersero at pang-apat sina Oakhill Princess at Sweetness ayon sa pagkakasunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page