‘Big Bird’ ni Enrique, ipinasilip na

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 21, 2024

May patakam na trailer ang Black Sheep Productions para sa comeback comedy film ng aktor na si Enrique Gil na "I'm Not Big Bird" na ilalabas sa mga sinehan sa Pebrero.
Binigla ni Enrique ang kanyang mga tagasuporta dahil malayung-malayo ang kanyang bagong palabas sa tipikal niyang romance genre.
Paano ba namang hindi magugulat ang madlang pipol, eh, ang plot ng bagong palabas ni Quen ay patungkol sa lalaking naghahanap ng paraan para mapalaki ang kanyang "junjun".
Bukod sa plot ng palabas, excited na rin ang mga tagasuporta ng aktor na muli itong makita sa big screen matapos ang matagal nitong pahinga mula sa pag-arte.
Mapapanood ang palabas ni Enrique kasabay ng Valentine's Day at kasama rito ng aktor sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero sa ilalim ng direksiyon ni Victor Villanueva.





Comments