Bida sina Nitura at Abayon sa Lady Knights para sa SSL semis
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 24, 2026

Photo: Hindi umubra ang matinding pag-atake ni Michaella Ma ng Enderun College sa sabayang depensa nina #16 Carlyn Tizon at #23 Joy Silorio ng San Juan De Letran sa kasagsagan ng laro sa Shakey's Super League National Invitationals Rising Stars, Elite Talent, Global Stage Collegiate division sa Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon. (Reymundo Nillama)
Kinumpleto ng Letran Lady Knights ang Final 4 cast sa pagpapamalas ng pusong kampeon nang takasan ang Enderun Colleges sa 21-25, 25-21, 25-14, 14-25, 15-4 at siguruhin ang silya sa semifinal round sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Maynila.
Pinagbuklod nina Judiel Nitura at Reeza Abayon ang mga kakayahan upang pag-ibayuhin ang atake ng Lady Knights sa 5th set at tapusin ang elimination round na may tangan na 2-3 win-loss rekord.
Natakdang makasagupa ng Letran ang top-seeded na UST Golden Tigresses sa knockout semifinals sa Biyernes, habang magpupukpukan ang five-time NCAA titlists na CSB Lady Blazers at Australian guest team Southern Storm Melbourne sa hiwalay na Final 4 showdown. Ginabayan din ni ace playmaker Hizki Flores ang Lady Knights, upang maikubra ang mga krusyal na atake tungo sa panalo.
“Ang sinasabi ko lang sa kanila na kung ano ang itinuturo ni coach 'yun ang dapat gawin at sundin namin. Nag-adjust kami paunti-unti kaya nakuha namin ang panalo,” wika ni Flores, na lumista ng 16 excellent sets para sa 57 puntos sa Lady Knights.





Comments