top of page

Bida sa Vivamax movie… SEXY STAR NA SI KAREN LOPEZ, 4 NA ARAW NANG NAWAWALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9
  • 3 min read

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 9, 2025




Isang misteryo ang pagkawala ng Vivamax (VMX) star na si Karen Lopez. 

Ayon sa talent manager ng sexy star na si Lito de Guzman, ilang araw nang ‘di makontak ang kanyang alaga na ngayo’y 21 years old na. 


Sa isang panayam, sinabi ni Lito na huli nilang nakita si Karen noong Lunes (Mayo 5) nang 12 PM.


Mula noon ay hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa.

Pahayag ni Lito sa panayam sa kanya ng PEP.ph, “Dalawang araw na s’yang nawawala. Sinundo raw ng boyfriend sa condo unit n’ya, pero pareho na silang hindi namin makontak.


“Hindi na rin s’ya active sa Messenger, Viber, at WhatsApp kaya kinakabahan na kaming lahat.”


Ayon pa sa talent manager ni Karen, nu’ng Miyerkules (Mayo 6) ang huling araw ng shooting ng sexy star para sa kanyang pinagbibidahang VMX movie na Maalikaya, pero hindi raw sumipot si Karen. 


“Alam naman n’ya na may shooting s’ya today, so expected na sisipot s’ya kasi s’ya ang bida. Alam n’yang may shooting s’ya pero nakapagtataka na hindi s’ya sumipot.”


Dagdag pa ni Lito, “6 AM ang calltime n’ya, hindi naman nale-late ‘yun.


“Natataranta na kaming lahat. Wala s’ya sa set at wala pa sa condo na inuuwian n’ya.”

Hindi pa ipinapa-blotter ni Lito ang pagkawala ni Karen dahil hinihintay niya ang desisyon ng pamilya ng nawawalang VMX star.


Ang tanging hiling ni Lito ay magparamdam si Karen para mabawasan ang kanyang takot at pag-aalala dahil 2 araw na nilang hindi nakikita ang talent niya.


Ayaw pa sana ni Lito na ipasulat ang pagkawala ni Karen, pero pumayag siya dahil sa pagbabaka-sakaling makatulong ito para matukoy ang kinaroroonan ng sexy star.


Si Karen ay napanood sa VMX movies na Habal at Babae sa Butas bago nabigyan ng starring role sa Maalikaya na mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr..



MATAGAL nang pinagkukumpara ng mga netizens sina Korina Sanchez at Jessica Soho lalo na noong buhay pa ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan mapapanood ang Rated K (RK) ni Korina.


Ewan kung sinadya bang tapatan ng programa ni Korina ang time slot ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa GMA-7.


Pero para kina Korina at Jessica ay trabaho lamang ang kanilang ginagawa at hindi nila pansin ang pagkukumpara sa kanila.


Subali’t sa isang pambihirang pagkakataon, nagkita at nagkrus ang landas ng dalawang award-winning journalists sa Pilipinas.


Nangyari ito sa Rome, Vatican City kung saan kabilang sila sa mga mamamahayag sa buong mundo na nagko-cover ng isinasagawang papal conclave na magdedesisyon kung sino ang magiging bagong Santo Papa sa mga susunod na araw kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025.


Sa Instagram (IG) nu’ng Miyerkules (May 7, 2025), ibinahagi ng official account ng programang KMJS ang larawan nina Jessica at Korina.


Nakalagay sa caption (published as is): “PBB Collab next edition na ba ito?

“HANDA NA BA KAYO?! I-KMJS NA ‘YAN!


“Korina Sanchez at Jessica Soho sa coverage ng Papal conclave sa Vatican.”

Ang “Handa na ba kayo?” ay tagline ng dating show ni Korina na Rated K at kasalukuyang show niyang Rated Korina


Ang “I-KMJS na ‘yan!” ay tagline naman ng news magazine show ni Jessica.

Maraming netizens ang natuwa nang makita ang larawan ng dalawang batikang journalists.


Nu’ng Miyerkules nang gabi, si Korina naman ang nag-post sa IG ng larawan nila ni Jessica na kuha rin sa Vatican. Tinawag pa niyang GMA-7’s icon si Jessica.

Saad niya sa caption: “G (Go)? Why not?”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page