top of page

Suportado sa trip… BIANCA, PINAPAYAGAN PA RIN NG MISTER NA MAG-SOLO TRIP ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 7, 2025



Photo: Bianca Gonzales Intal - IG


Noong dalaga pa si Bianca Gonzalez ay mahilig talaga siya sa solo trip kapag bumibiyahe abroad dahil mas nag-e-enjoy daw siya sa ganito. Napapansin niya ang maliliit na bagay tulad ng mga lugar na kanyang pinapasyalan. 


Nang magpakasal si Bianca sa PBA player na si JC Intal, hindi na niya nagagawa ang solo trip abroad. 


Pero noong kanilang 10th wedding anniversary, niregaluhan siya ni JC ng solo trip na labis niyang na-appreciate. 


Two years ago, nang mag-celebrate siya ng kanyang 40th birthday ay muli siyang niregaluhan ng kanyang mister ng solo trip abroad. Napaka-supportive ng mister ni Bianca at alam ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.


Dalawa na ang anak nina Bianca at JC at napanatili nilang masaya, matibay at pribado ang kanilang married life. 


Sa ngayon, tuloy pa rin si Bianca sa kanyang showbiz career, at forte niya ang pagiging host. Isa si Bianca sa main hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) Collab Celebrity Edition


Co-hosts din dito sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Gabbi Garcia at Kim Chiu.



Sa isang reel na ginawa ni Toni Gonzaga, ibinahagi niya ang naging biyahe nila ng kanyang mister na si Direk Paul Soriano patungong Singapore. Manonood sila noon ng concert ni Taylor Swift at bale foursome sila ng kapatid na si Alex Gonzaga at asawa nitong si Mikee Morada. 


Well, sa airport pa lang ay ipinakita na ni Toni kung gaano siya inasikaso ni Direk Paul at tinulungan sa kanyang mga bagahe, at hanggang sa tinutuluyan nilang hotel at sa mga pinasyalan nilang malls upang mag-shopping. 


Mistula ngang prinsesa ang treatment ni Direk Paul kay Toni. Nagpa-reserve rin ng dinner si Paul sa isang sosyal na resto para sa kanilang apat. 


Wala nang ibang inasikaso pa si Toni sa biyahe nila sa Singapore. Pati na ang tickets sa Taylor Swift concert ay si Direk Paul din ang nag-asikaso, kaya super nag-enjoy sina Toni at Alex. 


Well, napakasuwerte nga ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano ang kanyang napangasawa. Alagang-alaga siya at lahat ay ginagawa upang siya ay mapasaya.



SA kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lalawigan para sa kanyang campaign sorties, maraming senior citizens ang lumalapit kay Bong Revilla upang magpasalamat.


Malaking benepisyo talaga sa mga seniors ang panukalang Expanded Senior Citizen Act na isa nang ganap na batas. 


Makakatanggap ng kaukulang cash incentives ang mga seniors na edad 80, 85, 90 at 95. Hindi na kailangan na umabot pa sa edad na 100 upang makatanggap ng cash incentives mula sa gobyerno, edad 80 pa lang ay nabibigyan na sila. 


At ngayon, may bagong imumungkahi naman si Sen. Bong sa mga mamamayan, ito ay ang pagpapabata sa retirement age ng mga empleyado. Sa halip na 60 years old ay nag-propose siyang gawing 56 na lang ang retirement age. 


Sa panahon ngayon, may mga edad 50 pataas pa lang ay marami nang sakit na nararamdaman, kaya dapat nang mag-retire nang maaga. Pero paglilinaw niya, optional naman daw ito.


Well, tiyak na marami ang papayag sa panukalang ito ni Sen. Bong Revilla, Jr..



MATAGAL na naitago sa publiko ang isang malungkot na sikreto at bahagi ng buhay ng aktres na si Iza Calzado na may kinalaman sa kanyang ina. 


Nag-open up si Iza nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Nalulungkot pa rin si Iza, kapag napag-uusapan ang tungkol sa kanyang ina pero hindi niya ikinahihiya na bipolar ito at nag-suicide, although isa itong stigma para sa kanilang pamilya. 


Maraming taon na ang lumipas at naging tahimik na ang kanilang buhay. May sarili nang pamilya ngayon si Iza, at patuloy siyang lumalabas sa pelikula at telebisyon.

Malaki ang pagbabagong hatid sa kanyang buhay ng pagkakaroon ng anak at masayang pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page