Bianca, may nanalo na… WILL AT MIKA, LANTARAN NA ANG RELASYON
- BULGAR

- Apr 6
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 6, 2026

Photo: Will at Mika Salamanca - Instagram
Hindi lang pala sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala ang nagkaroon ng hard launch sa kanilang relasyon nitong katatapos na Holy Week. Pati sina Will Ashley at Mika Salamanca, may hard launch din sa kanilang relasyon.
Kahit nababalita na ang MikWill for real relationship at kahit spotted sila sa iba’t ibang lugar, madalas walang malinaw na larawan nilang dalawa, dahil kung ‘di nakatagilid ay nakatalikod sina Will at Mika, gaya na lang nang makita sila sa Rockwell. Ayaw tuloy maniwala ng iba na silang dalawa ang nakatalikod na naglalakad.
But this time, nakaharap na sila sa photos na nag-viral at nakatingin sa camera. May photos lang na wacky ang kuha dahil pareho silang nag-wacky pose, pero sabi ng mga fans, cute pa rin.
Sari-sari ang mga comments ng mga fans at bashers. Ang supporters nina Mika at Will, masaya na nag-come out na sila. Wala raw silang dapat itago kung nagmamahalan sila at happy being in love. Dedmahin na lang daw ang mga bashers at bitter na walang makitang maganda.
Mga comments na, “Be happy,” “Finally, MikWill. Go lang, Mika and Will, ituloy n’yo lang ‘yan. Gawin n’yo lang ang makakapagpasaya sa inyo. Deadma sa mga hunyango sa paligid,” “Ang cute nila,” “Happy for my babies,” at “Magmahalan lang kayo hanggang mamatay ang mga kultong kulay ube (fans nina Mika at Brent Manalo),” ang ilan sa mga mababasa.
Sabi naman ng mga kontra sa relasyon ng dalawa, “Ate ang peg,” “Bakit parang napilitan lang si Mika?” “Akala ko magkapatid ‘to?” at “Nakakaloka si Will.”
Malamang, ang hindi pabor sa MikWill real love team ay mga fans nina Will at Bianca de Vera. Kaya lang si Bianca, si Dustin Yu naman ang kasama sa Hong Kong at hindi sila magta-travel na magkasama kung wala lang.
Sa Bahay ni Kuya sa Season 1 ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition nagkakilala at nagkainlaban sina Will at Mika. Request ng mga fans sa GMA, bigyan sila ng series na sila ang magka-love team dahil sa The Secret of Hotel 88 (TSOH88), si Brent Manalo ang parang love interest ni Mika Salamanca at si Will Ashley ang ka-love triangle nina Bianca de Vera at Dustin Yu.
BF ni Kaila, tanggap na…
JOHN, KA-BONDING SA KANTAHAN SI DANIEL
KAGAGALING lang sa Dumaguete nina Daniel Padilla at Kaila Estrada, kung saan sila nag-spend ng Holy Week at ang pamilya ng aktor ang ka-bonding ni Kaila.
Ngayon, heto naman at si Daniel ang nakipag-bonding sa pamilya ng GF.
Sayang at wala pang ipino-post na photos ng dalawa na kasama ang dad ni Kaila na si John Estrada at kanyang mga kapatid. Sa napanood naming reels, si John ang kumakanta at maririnig sa background ang halakhak nina Daniel, Kaila at iba pang kasama sa bonding.
Mas relaxed itong muling pagkikita nina Daniel at John, may kantahan pa nga.
Sayang at walang video dahil siguradong kumanta rin si Daniel.
Sa unang meeting nina Daniel at John, nakaupo sila kasama si Kaila at ipinaalam yata ng dalawa kay John na sila na.
Itong meeting nila ngayon, hindi lang si Daniel ang present dahil nandu'n din si Jake Vargas na partner ng sister ni Kaila na si Inah de Belen, at ang fiancé ng isa pang sister ni Kaila na si Moira.
Ang cute ng photo na magkayakap sina John at Jake Vargas na ibig sabihin, tanggap na tanggap ng ama nila ang aktor.
Inaabangan ngayon ng mga fans ang photo naman nina John Estrada at Daniel Padilla na silang dalawa lang.
SINAWAY ng mga neutral fans ang puksaan ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung sino sa ex-couple ang nag-upgrade o nag-downgrade sa bagong karelasyon.
Pinagkukumpara kasi ng iba si Kaila Estrada na GF ni Daniel ngayon at si Lucena City Mayor Mark Alcala na bagong boyfriend ni Kathryn.
Dapat daw ay maging masaya na lang ang mga fans nina Kathryn at Daniel na nakakita sila ng mga bagong mamahalin na magpapasaya at magmamahal sa kanila.
Iwasan na raw ang pagiging bitter dahil ‘yung mga idolo nila, masaya na sa buhay nila ngayon. Pero ang ilan nilang mga fans, nabubuhay pa rin sa bitterness at sa nakaraan.
Nakakaloka nga dahil may mga nag-insist na AI (artificial intelligence) pa rin ang bagong photos nina Kathryn at Mark at marami silang naobserbahan. Marami raw daliri ang mga kamay ni Kathryn. May nagsabi pang iba ang kulay ng shoes ni Kathryn sa dalawang shots.
Kahit sinabi na dahil ‘yun sa may kulay ang escalator na sinakyan ng dalawa, may nag-akala pang may swimming pool sa background kaya malabo raw na totoo ang mga photos.
Hintayin natin ang iba pang puksaan ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil tiyak na hindi sila titigil. Paano kaya kung may ikinasal na sa dalawang pareha?





Comments