BFP personnel, nahulog sa mining hole, dedo
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 19, 2026

Photo: Circulated - FBN
Isang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagbuwis ng buhay matapos aksidenteng mahulog habang nagsasagawa ng retrieval operation sa dalawang minerong na-trap sa isang mining operation sa Brgy. Capalayan, Surigao City.
Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad ng insidente ng pagkahulog ng dalawang minero sa isang kuwebang may mining operation kaya agad na naglunsad ng rescue operation.
Nakuha ang isang minero na agad na isinugod sa pagamutan, subalit kalaunan ay nasawi.
Ang isang nahulog sa malalim na mining pit ay wala na umanong buhay kaya nagsagawa ng retrieval operation.
Habang inaangat ang bangkay ng minero ay naputol umano ang taling ginamit sa retrieval operation, na naging dahilan para mahulog ang miyembro ng BFP.
Nagawa pang maisugod sa ospital ang rescuer, subalit hindi pinalad na maisalba ng mga doktor.





Comments