BFF na si Ruffa, naunahan na… DONITA, IKAKASAL NA SA BAGONG BF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 31, 2022

Masayang ipinost ni Donita Rose ang larawan nila ng boyfriend na si Felson Palad sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na "Am now officially engaged."
Agad namang nagpadala ng congratulatory message ang mga kaibigan ni Donita na mostly ay celebrities like Gelli de Belen, Jaya, Geneva Cruz, Pops Fernandez, Vina Morales, Krista Ranillo at Ruffa Gutierrez.
"So happy for you," ani Gelli.
"You finally told the world!! Congratulations, girl!! You beat us all to it!!" sambit naman ni Ruffa.
Sey naman ni Jaya na nakabase na rin sa Tate, "Yes!!! So happy for you guys and thank you for letting us know agad-agad, hahaha, that was such an honor for Gary & I. God bless your new journey."
Last month lang nang i-introduce ni Donita si Felson as her new boyfriend, ang una rin niyang nakarelasyon magmula nang magkahiwalay sila ng asawang si Eric Villarama anim na taon na ang nakakaraan.





Comments