top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

BF ni Julie Anne, proud na proud… RAYVER, TINALO SI PACQUIAO SA LARO NG SUNTUKAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 4, 2026



BULGARY - RAYVER, TINALO SI PACQUIAO SA LARO NG SUNTUKAN-IG _rayvercruz & _nyknicks

Photo: IG @rayvercruz & _nyknicks



Isa ang GameZone online gaming sa malalaking sponsors ng Aurora Music Festival na ginanap sa Clark, Angeles, Pampanga nitong May 1 at 2.


Sa nasabing online gaming ay may bago na rin silang brand ambassador, ang Pinoy Champ na si Manny Pacquiao na ipinakilala nitong April 2026. 


Yes, sila na ngayon ni Vice Ganda ang naglalakihang endorsers ng online platform. In-announce si Manny bilang newest ambassador ng platform under DigiPlus.


Dati ay sa Playtime si Manny kasama si Bossing Vic Sotto. Bakit nga ba siya umalis sa Playtime?


Walang malinaw na official public statement kung bakit siya umalis. Base sa chika, may malakas na posibleng dahilan tulad ng brand switch o bagong kontrata.


Sa ganitong mga endorsements, ang GameZone ay bahagi ng mas malaking kumpanya na DigiPlus. Madalas, kinukuha si Pacquiao bilang major face ng brand, hindi lang simpleng endorser.


Samantala, na-invite ng online gaming ang Kapuso actor na si Rayver Cruz. May punching machine challenge sa Aurora Music Festival kung saan nagtala si Manny ng score na 792. Aba! Akalain n’yo bang na-beat ni Rayver si Manny sa score niyang 859 kontra 792. Natalo ni Rayver ang score ni Manny sa game booth.


Pero siyempre, for fun lang iyon, arcade punching machine at hindi actual boxing power comparison.


Sey ni Rayver, “Nakakatuwa naman na kahit sa ganitong klase ng competition ay na-beat ko ang ating napakasikat na boksingero. Flattered ako dahil na-beat ko ang score niya. Pero sa actual na laban, wala akong kalaban-laban sa nag-iisang Manny Pacquiao. Idol natin ‘yan at ipinagmamalaki ng ating bansa.”


Our pride, Manny ‘Pacman’ Pacquiao.





Noontime show nina Vice, 1 week na eere….

ASAP, PAPALITAN NA RAW NG IT'S SHOWTIME



Nakakaalarma naman kung totoong mawawala na ang longest-running variety show ng Kapamilya Network, ang A.S.A.P., at ang ipapalit umano sa time slot na maiiwan ay ang It’s Showtime (IS) nina Vice Ganda kaya raw malamang ay Monday to Sunday na mapapanood ang nasabing noontime show.


Nagtanung-tanong ang inyong lingkod kung may katotohanan nga ang tsikang aming nasagap.


May nagsabing may katotohanan ang nasabing tsismis, pero ang totoong latest daw sa situation ay may pagbabago lang na mangyayari.


As of now ay mapapanood pa rin muna Lunes hanggang Sabado ang IS. Wala pang official announcement na magiging regular Sunday show ito. Kumbaga, wala pang kumpirmasyon na may ganoong setup.


Regarding naman sa A.S.A.P., hindi naman daw ito mawawala kundi magbabago lang ng oras. Aalis lang daw sila sa noontime slot at lilipat sa primetime around 5:30 PM bilang A.S.A.P. XP simula ngayong May 2026.


Ang tanong, ano ang mangyayari sa Sunday noontime slot. Mawawala ang A.S.A.P. sa 12 NN Sunday slot kaya may bakanteng slot, pero wala pang official confirmation kung IS ang ipapalit.





NAGSALITA si Janine Gutierrez tungkol sa lumalalang problema ng basura sa Pilipinas. Binigyang-diin niya na maaaring matuto ang bansa mula sa mga bansang nakapagpatupad na ng epektibong solusyon sa basura.


“Napakaraming halimbawa ang maaari nating tingnan, mga bansang tulad ng Singapore, Switzerland at South Korea pagdating sa pag-recycle, waste-to-energy at marami pang iba,” aniya.


Dagdag pa niya, “Pamahalaan, pakiusap na kumilos kayo tungkol dito.”

Ang apela ni Janine ay kasunod ng isa na namang nakababahalang insidente, ang kamakailang nasusunog pa rin hanggang ngayon, ang Navotas Sanitary Landfill na nagsimula noong April 10.


Ang sunog ay nagdulot ng makapal na usok na nakaapekto sa kalidad ng hangin sa mga kalapit na lugar kabilang ang Navotas, Valenzuela, Malabon, Caloocan, Quezon City, Mandaluyong, Makati at Maynila.


Sadyang kahit ano’ng gawing solusyon para sa basura ay hindi maisasagawa kung ang mga tao ay matitigas ang ulo at kung saan-saan nagtatapon kahit may paalala na paghiwalayin ang basura.


Pinagsasama ang mga hindi nabubulok at mga nabubulok kaya nananatiling problema kung may mga pasaway pa rin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page