top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

BF ni Bea, nakikisawsaw… DOMINIC, NAG-POST NG PIKTYUR NG AHAS, PATUTSADA RAW KAY JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 13, 2021





Iba't ibang komento ang mababasa sa nai-post na selfie ni Dominic Roque kung saan makikitang nakapaikot sa leeg niya ang isang napakalaking ahas.


Isang commenter ang nagbirong, “Pogi ng anak ni Harry Roque. Sana oil.”


Sabi naman ng isa, mahilig talagang magpa-cute ang actor.


“Hanggang d'yan, pa-cute pa rin. Iba rin stamina nitong Dominic, ah, hahaha!”


May nagsabi namang nakikisawsaw ngayon si Dominic sa pagpapatutsada sa panggo-ghosting noon ni Gerald Anderson sa rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo at sa 'pang-aahas' diumano ni Julia Barretto sa BF pa noon ni Bea.


Simple lang daw ang banat ni Dominic pero na-gets ng ilang netizens ang gustong ipakahulugan nito sa pagpo-post ng piktyur ng malaking ahas.


Pero may nagpaalala namang "friends" sina Dominic at Julia.


“'Kala ko ba, close friends sila ni Julia? I remember, daming nakapansin na he “liked” a post of Julia before na shading Bea naman. Anyare?”


Sagot naman ng isa pa, “Shouldn't he be thankful to Julia kasi nakuha niya si Bea because Gerald chose Julia? Hehe.”


Reaksiyon ng isa pa, “Shade sana kung si girl ang may snake. Kasi hindi naman niya issue 'yan.”


Well, bakit kaya ang daming may ayaw kay Dom para kay Bea? Dahil ba wala pang napapatunayan ang aktor sa craft niya?


Let them be happy na lang, tutal, walang nasasagasaan si Bea sa love life nila ni Dom.


Single si Dom, gayundin si Bea, so walang problema.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page