BF, never na raw magloloko kahit type si Fyang… JULIA: SURE AKO NA KAMI NA NI GERALD
- BULGAR

- Nov 15, 2024
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 15, 2024
Photo: Julia, Gerald at Fyang - Instagram
Buong puso ang paniniwala ni Julia Barretto na matatag ang relasyon nila ni Gerald Anderson at hindi na ito magloloko.
Ayon kay Julia, sa tagal ng kanilang pagsasama, mas lumalim ang kanilang relasyon dahil sa mga pinagdaanan nilang pagsubok.
“Kilalang-kilala ko na po si Gerald,” ani Julia.
Sey pa niya, “Magkasama kami sa lahat ng ups and downs, at mas lalo naming nakikita ang kinabukasan namin na magkasama. Mahal namin ang isa’t isa at palagi naming pinag-uusapan ang future namin, kaya po nakakasiguro akong kami na talaga. Hinding-hindi na po magloloko ‘yan.”
Nito lang, naging usap-usapan din ang pahayag ni Gerald na may “crush” siya kay Fyang, ang bagong Big Winner ng PBB Gen 11. Nilinaw naman ni Gerald na hanggang paghanga lang ang nararamdaman niya at hindi na ito lalagpas pa roon.
Sa kabila nito, nananatiling buo ang tiwala ni Julia kay Gerald, at naniniwala siyang mas tumibay pa ang kanilang samahan sa bawat hamon na dumaan.
Super-bongga ang laki ng tiwala ni Julia Barretto kay Gerald Anderson na hindi na ito magloloko at papatol pa sa ibang babae.
Boom, kaboom!
TULOY na tuloy na ang inaabangang acting comeback ng Kapamilya star na si Jessy Mendiola sa pagbibida niya sa upcoming action-drama series ng ABS-CBN na Nobody.
Makakasama ni Jessy sa nakakaintrigang proyekto tungkol sa katapatan at integridad ang lead star nitong si Gerald Anderson.
Huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Budoy kung saan gumanap si Jessy bilang si Jackie na best friend at love interest ni Budoy (Gerald).
Ang Nobody ang unang TV project ng aktres pagkatapos niyang muling pumirma ng kontrata sa talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic noong Hulyo.
Ilan sa mga pinagbidahan niyang programa sa telebisyon ang Maria Mercedes, Sabel, Precious Hearts Romances Presents: Paraiso, at You’re My Home at naging regular cast din siya ng comedy program na Banana Sundae. Huli siyang napanood sa teleseryeng Sandugo nu’ng taong 2019.
Isa ang Nobody sa mga inaabangang Kapamilya serye na malapit nang ipalabas sa telebisyon. Pangungunahan ito nina Benedict Mique at Rae Red bilang direktor at ipoprodyus sa ilalim ng JRB Creative Production.
Bukod kina Gerald at Jessy, makakasama rin sa programa si JC De Vera.
Abangan ang magiging papel ni Jessy sa Nobody.






Comments