top of page

BF na si Vincent, mas rich… BEA, PAYAG SA PRENUP AGREEMENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2025
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 7, 20255



Photo: Bea Alonzo - IG


Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng marami kung ang relasyon ni Bea Alonzo at ng boyfriend niyang billionaire businessman na si Vincent Co ay mauuwi sa kasalan. 


Tiyak daw na maraming ikokonsidera ang pamilyang Co dahil si Vincent ang nag-iisang anak na lalaki at siya ang hahawak o mamamahala sa mga negosyo ng pamilya tulad ng Puregold.


Mas mayaman din si Vincent kahit na sabihin pang bilyonarya na si Bea sa dami ng kanyang properties at negosyo na naipundar. At tiyak na ang unang kondisyon bago magpakasal sina Bea at Vincent ay ang pagkakaroon ng prenup agreement upang bigyan ng proteksiyon ang kanilang mga ari-arian.


For sure, papayag ang partido ni Bea sa prenup agreement at hindi mao-offend. Besides, may sariling yaman ang aktres-businesswoman at hindi dedepende kay Vincent kapag sila ay mag-asawa na. 


Minamadali na ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga fans si Bea na mag-asawa na dahil 38 years old na siya ngayon. At pangarap ng kanyang mom na bigyan siya ni Bea ng apat na apo. 

Kayanin pa kaya?


MARAMI ang labis na nagtataka kung bakit ayaw ipakita ni Maja Salvador ang mukha ng kanyang baby girl na si Maria noong mga unang buwan matapos siyang manganak.


Gusto pa namang makita ng mga fans kung sino ang kahawig ni Baby Maria. Marami nang celebrity mommies ang agad na ipino-post sa social media ang hitsura o larawan ng kanilang mga anak. Proud silang i-display sa publiko ang kanilang anak lalo na kung maganda o pogi.


Well, katwiran ni Maja, ayaw niyang malait at i-bash ang kanyang anak kaya hindi niya agad ipinakita sa publiko. Nag-aalala siya sa mga negative comments ng mga bashers. Ayaw niyang pagtawanan o pintasan ang anak nila ni Rambo Nuñez. 

HINDI na matinee idol ngayon ang level at kategorya ng pagiging aktor ni Dingdong Dantes. Hindi lang pang-romcom (romantic comedy) dahil mature at serious roles na ang kanyang ginagampanan sa telebisyon at pelikula. 


Puwede siya sa drama, action, suspense, at horror. Hindi na rin niya kailangan ang ka-love team. 


Siya ang Primetime King ng GMA Network. Nagkamit na rin siya ng ilang acting awards. Hindi image conscious si Dingdong Dantes. Hindi rin siya namimili ng kanyang kapareha sa pelikula. Tanggap ng mga fans kahit sino pa ang kanyang leading lady. 


Ang mahalaga ay ang husay ng pag-arte na kanyang ipinakikita sa bawat role na kanyang ginagampanan. Kaya naman wala nang nagtaka nang si Ms. Charo Santos ang kanyang kapareha sa pelikulang Only We Know (OWK). Isa itong kakaibang love story na tiyak na magugustuhan ng moviegoers. 


Ipapalabas din ang OWK sa mga sinehan sa USA, Canada, atbp..



BIKTIMA rin ang comedy genius na si Michael V. (Bitoy) ng fake news at ginagamit ang kanyang mukha at boses para sa endorsements ng mga produkto.


Ilang beses na itong nangyayari kay Bitoy, kaya may panawagan siya sa publiko na huwag maniwala sa mga lumalabas na endorsements niya ng mga produktong wala siyang pahintulot. Isa raw itong scam. 


Kung hindi raw titigil ang mga taong gumagamit sa kanya para ibenta ang anumang produkto ay gagawa na siya ng legal action.


Mahigit 4 na dekada na sa showbiz si Michael V. at alaga niya ang kanyang pangalan, lalo na’t wholesome ang imahe niya sa telebisyon at pelikula. Comedy shows at gag show ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network tulad ng Bubble Gang (BG) at Pepito Manaloto (PM).


Fifteen years nang napapanood sa ere ang PM at marami na silang napasayang mga viewers. 


Sa paglipas ng mga taon, may ilang pagbabago na rin na nagaganap sa main characters ng PM, tulad ni Clarissa (Angel Satsumi) na dalagang-dalaga na ngayon. Siya ang bunsong anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page