top of page
Search
  • BULGAR

BF na aktor, pang-front lang…

SIKAT NA YOUNG ACTRESS, BUHAY NA BUHAY KAHIT WA' CAREER DAHIL IBINAHAY NG MASYONDANG BILYONARYO

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 7, 2021



Blind item:


Isang libong beses mang mag-deny ang sikat na young actress na bigay ng bilyonaryong negosyante ang kanyang magarang bahay, hindi niya makukumbinse ang mga nasa sirkulo ng alta-sosyedad dahil alam na alam daw nilang matagal nang 'alaga' ng may-edad nang businessman ang young actress.


Kaya naaawa sila sa hunk actor na nali-link sa sikat na young actress dahil ginagamit lang daw itong pang-front o panakip-butas para hindi sumingaw ang lihim sa Pandora's box ng aktres.


Kaya nga raw kahit nag-pandemic at walang career ang sikat na young actress, hindi ito problemado sa pambayad ng kanyang monthly bills dahil sabi nga, mayaman si Papa!!!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page