BF mo, Barbie, nalasing… AVA MENDEZ, KUMANTA SA MGA NANGYARI SA KANILA NI JAK SA PARTY
- BULGAR
- Dec 29, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | December 28, 2023

Photo : FB /Circulation
Hala, matapos maki-Pasko ni Jak Roberto sa bagong nilipatang bahay (as brand new) nina Barbie Forteza and family, heto at sumabog ang kuwento ni Ava Mendez tungkol kay Jak.
Na kesyo naging touchy daw ito sa kanya at sa ibang mga babae nu'ng malasing ito sa isang birthday party na kanilang dinaluhan recently.
Hindi sila close friends pero dahil kapwa sila invited ng isang common friend nila na nag-birthday sa isang five-star hotel, nag-happy-happy sila sa food and drinks, pati na sa pagpapa-picture sa ibang guests.
Ayon sa kuwento ni Ava, dumating sa point na kaswal na siyang hinahawakan at sinasandalan at may pa-behind the back pang pagyakap si Jak sa kanya dahil lasing na ito.
At dahil kinunan sila ng mayamang friend nila ng mga rooms to ensure na makapagpahinga sila bago umuwi (dahil lasing na nga), natsismis pang tumambay si Jak sa room ni Ava.
Pero ang tsika ni Ava, kasama niya ang kanyang mga kapatid at driver sa isang room habang si Jak ay kasama rin ang driver nito sa isang room.
Idinedenay ni Ava ang mga kuwentong may naganap sa kanila ni Jak, pero pinatotohanan niyang 'touchy' nga si Jak nang malasing at hindi lang daw sa kanya ito ginawa ng jowa ni Barbie dahil kahit sa ibang girls na nandu'n, sobrang sweet daw ang aktor.
Ay, may reaksiyon kaya rito si Barbie?





Comments