- BULGAR
Best Regards at Gusto Mucho magsusubukan sa Race Merged
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 18, 2022
Nakatakdang magkita sa pista sina Best Regards at Gusto Mucho sa magaganap na Condition Race Merged (10) na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, ngayong araw.
Walang dudang matitikas na kabayo sina Best Regards at Gusto Mucho na sasakyan nina IA Aguila at Kelvin Abobo ayon sa pagkakasunod sa distansiyang 1,500 meter race.
Subalit ayon sa mga karerista ay mahirap na karera ang kanilang lalabanan dahil mahuhusay din ang kanilang makakalaban.
Inaasahang puwedeng makasilat kina Best Regards at Gusto Mucho ay si 2018 3rd leg Triple Crown winner Victorious Colt na sasakyan ni class A rider Onel Cortez.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De leon ay sina Shining Vic at The Accountant.
Pakakawalan ang nasabing karera sa race 6 kung saan may pitong races ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI).
Samantala, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na mahuhusay din na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa pangatlong karera. Magtatagisan ng bilis sa 1,300 meter race ay sina Solution, Avenue Shopper, Major Ridge, Fortress, Honey Ryder at Step Bell.
May P15,000 added prize ang ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 ang ibubulsa ng winning horse owner.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Twinkle Toes/Fast Sailing (2/2A), Del Monte (7)
Race 2 - Commodora (2), It's A Deal (3)
Race 3 - Fortress (4), Honey Ryder (6)
Race 4 - Hee Nieve Rahh (4), Iikot Lang (2)
Race 5 - Lil John (6), Vitreus (5)
Race 6 - Best Regards (1), Victorious Colt (3)
Race 7 - Chef Cat (3), Lucky Julliane (7), I Tell You (8)