Best Drama Actress na… RHIAN, UMAMING SI ALDEN ANG GUSTONG MAKATRABAHO
- BULGAR
- 10 hours ago
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 27, 2025

Photo: Rhian Ramos at Alden Richards - Shot by Mars Santos
Halos hindi malaman ni Rhian Ramos ang sasabihin sa sobrang saya at kilig nang matanggap niya ang first-ever Best Drama Actress trophy niya mula sa 37th PMPC Star Awards for TV na ginanap last Sunday (Aug. 24) sa VS Hotel.
Well-deserved naman ni Rhian ang naturang Best Drama Actress award kahit pa mabibigat din ang nakalaban niya sa naturang category tulad nina Bea Alonzo, Jodi Santamaria, Janine Gutierrez, Andrea Brillantes, Jillian Ward at Barbie Forteza.
Napakahusay ng naging pag-arte ni Rhian sa role niya sa Royal Blood at talagang lumabas ang kanyang pagiging aktres.
In fact, kahit sa role niya ngayon sa Encantadia Chronicles: Sang’gre bilang si Ice Queen Mitena, puring-puri ng marami si Rhian sa stand-out performance niya bilang kontrabida.
No offense meant kay Marian Rivera na kinikilala rin ang galing bilang aktres at humahakot ng Best Actress award para sa movie niyang Balota, pero kung pagkukumparahin sila ni Rhian, mas may lalim ang pag-arte ng GF ni Sam Verzosa at effective siya mapa-bida o kontrabida.
Ikinatutuwa naman ni Rhian ang maraming blessings niya ngayong taong 2025 dahil puro positive nga ang nangyayari sa kanyang career, at ngayon ay may bonus pa siyang
Best Drama Actress Award.
Tinanong namin si Rhian nang makapanayam namin matapos niyang matanggap ang kanyang Best Drama Actress trophy sa Star Awards kung ano pang mga challenges sa kanyang career ang nilu-look forward niya at sino pa ang mga gusto niyang makatrabaho.
Pag-amin ng magaling na aktres, gusto naman niyang i-try mag-action, na siguro ay mala-Angelina Jolie ang peg.
At kahit nakatrabaho na niya minsan si Alden Richards, ito raw ang gusto niyang makasama uli sa mas mahaba-habang project.
Ohhh, why not? Pareho silang magaling. Baka puwedeng subukan ng GMA Films, ‘di ba?
After nina Mark at Rainier…
JOSHUA, BAGO NI JOJO MENDREZ
NAKU, pagkatapos nina Mark Herras at Rainier Castillo, mukhang may bagong ‘favorite’ ang singer-rich businessman na si Jojo Mendrez, ha?
Nakita namin ang tinaguriang “The Revival King” sa nakaraang 37th PMPC Star Awards for TV at parang aligaga ang nag-revive ng kantang Somewhere in My Past ni Julie Vega nang lumabas sa Ballrom ng VS Hotel last Sunday, August 24.
Present si Jojo Mendrez dahil nag-award siya ng Male and Female Celebrity of the Night, kung saan ang napili ay sina Joshua Garcia at Rochelle Pangilinan.
Chika ng aming source, natulala ang rich businessman-singer nang makaharap si Joshua at iabot dito ang cash prize.
At nang makausap daw niya ang Revival King, pag-amin nito, “‘Di ako kumakamay dahil hawak ko ang mic, pinilit niya akong kinamayan.”
At dahil nga raw du’n, natulala at kinilig ang Revival King, na tumanggap din naman ng special award sa 37th PMPC Star Awards bilang Trending Social Media Personality dahil nga sa kanyang pakulo na Libre na ‘To na bentang-benta sa mga fans at mga netizens.
Hmmm… teka, ang alam namin ay may ire-record si Jojo Mendrez na revival song niya ng I Love You, Boy ni Timmy Cruz, na ang version niya ay may title na I Love You, Babes. Hindi kaya si Joshua Garcia ang mapusuan niyang maka-collab dito o kaya ay kunin para sa music video ng kanta?
Let’s see!