top of page

Best Actress daw talaga… SIGAW NG NETIZENS: MARICEL, SUPER-LAKAS SA VLOG, PARANG 80 YRS. OLD MAGLAKAD SA SENADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2024
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 11, 2024



Showbiz Photo
Senate of the Philippines

Inuulan na naman ngayon ng pamba-bash ang aktor-senador na si Robin Padilla dahil sa ini-repost na video sa Facebook page na Boldyak ng political vlogger na si Maharlika kung saan makikitang inaalalayan at hinawakan pa sa kamay ng mister ni Mariel Padilla ang Diamond Star na si Maricel Soriano habang papunta sa Senate hearing.


Matatandaang ilang araw pa lang ang nagdaan nang ipatawag at sumipot naman si Maricel sa Senado para sagutin ang PDEA leaks issue na nagsasangkot sa kanya at kay Pangulong Bongbong Marcos sa usapin ng droga.


Hindi nagustuhan ng maraming FB users ang nakita nilang pag-alalay ni Sen. Robin kay Maricel habang naglalakad at ilan lang ang sumusunod sa mga comments na nabasa namin…


"Nakakahiya mga senator natin. Usapin ng bayan, eh, dapat fair sila."

"Um-attend ng hearing si Padilla just to actually assist MARIA.. Nagbigay ng statement pero out of topic.. again.. to defend the artists." 


"Pa-care-care itong si Robin, wala namang nagawa sa Senate. 'Yung Senate hearing, tahimik daw siya na parang audience lang siya."


Sinilip din ng ilan ang pagiging kapwa artista nina Sen. Robin at Maricel kaya raw pinoprotektahan ng senador ang aktres. 


"Ayan, kapag kabaro nila like artista or politicians ang sangkot, handa silang maging caregiver, pero 'pag ordinaryong tao ang sangkot, kagaya ni Agent Jonathan Morales, pagtutulungan pang sirain ang kredibilidad. People of the Philippines, tandaan ninyo itong mga PI na mga senador." 


"Hay naku, naglolokohan lang tayo, Robin! Nand'yan kayo sa Senado para ilabas ang katotohanan, hindi para maging escort ng kung sino man! Sayang ang isinusuweldo ng taumbayan sa inyo!"

Komento naman ng isa na obyus na gigil kay Sen. Robin, "Mas bagay sa kanya mag-resign."


Inayunan din ng ilang netizens ang caption ni Maharlika sa kanyang ini-repost na video na ang nakalagay ay: "Mas bagay pala ang caregiver kay Robin Padilla." 


Ani ng isang netizen, "True palangga, para siyang caregiver ni denial Ngiwi Queen.

Nasayang 'yung boto ko sa kanya, wala rin palang alam, nakain din pala ng sistema ng pulitika! Kaya ayoko na 'yang mga 'yan, dumikit lang kay Tatay Digong para maendorso nang makapuwesto na sila, wala rin palang mga kuwenta!"


Samantala, hindi lang si Sen. Robinhood ang nakatikim ng masasakit na salita mula sa mga netizens kundi maging ang Diamond Star ay hinusgahan ding pang-"Best Actress" umano ang mga galawan sa Senate.


Komento ng isang netizen, "'Pag gumawa ng vlog at movie, ang lakas-lakas, pero pagpunta ng Senate hearing, kunwari super nanghihina at parang 80 yrs. old. The Best Actress goes to MARIA "MARICEL" SORIANO (laughing emojis). I'm just saying what I saw on this video."


Oh, ha? But at least, hindi binigyang-kulay ng mga Marites ang "holding hands" nina Robin at Maricel. Parang wala rin namang maniniwala kahit may magkalat na may something sa kanila dahil lang sa holding hands na 'yun, hahahaha!


Well, ang hindi siguro alam ng mga netizens, ganu'n lang talaga si Sen. Robinhood, sobrang gentleman lalo siyempre't Diamond Star ang 'inimbitahan' sa kanilang 'bahay' sa Senado kaya todo-alalay siya rito lalo't first time nga ng drama actress na umupo sa Senate hearing.


Saka hellooo, 'di naman convicted criminal ang Diamond Star para ipako na sa krus at husgahan ng mga Marites na nakikisawsaw lang naman, 'no!


So, kalma lang, okidok?! 'Was masyadong itotodo ang galit lalo't mainit at baka tayo ang ma-hit… este ma-heat stroke. 


Paaak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page