top of page

'Ber months na, pasko na!

  • BULGAR
  • Sep 2, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 2, 2022


SETYEMBRE na.


Pasko na!


◘◘◘


MERRY kaya ang Pasko sa Disyembre?

Mahirap sagutin.


Magkakasalungat ang opinyon ng mga eksperto.


◘◘◘


ARTIFICIAL o man-made ang sanhi ng krisis.

Man-made ang giyera ng Russia at Ukraine.


Maging ang COVID-19 pandemic ay sinasabing man-made rin.


◘◘◘


SA kaso ng giyera ng Ukraine kontra Russia, malinaw na sanhi ng naturang digmaan ay ang dispalinghadong desisyon ng matataas na opisyal mismo ng Ukraine at mismo rin ng Russia.

Kung magiging tumpak o angkop ang desisyon ng lider ng Ukraine, mareresolba ang giyera.

Ganundin, kapag naging tumpak ang desisyon ng Russia, matatapos agad ang krisis.

Ganun lang kasimple


Malinaw na desisyon ng tao ang solusyon at hindi natural causes o kalamidad.


◘◘◘


GANUN din sa COVID, hindi virus ang sanhi ng krisis kundi ang pesteng lockdown na palpak na desisyon ng WHO at lider ng mga bansa.


Ang palpak na desisyon ng tao ang tunay na sanhi ng krisis dahil ang virus ay kakambal ng buhay sa ibabaw ng lupa.


◘◘◘


ANG lockdown ay hindi epektibong solusyon laban sa pandemic dahil nagbubunga ito ng mas malalang sitwasyon.


Mas marami ang namatay dahil sa stress at ibang sakit dahil sa palpak na sistema sa lockdown kumpara sa bilang ng namatay na malulusog na tao sanhi ng COVID.


◘◘◘


ANG anumang klase ng virus ay hindi living things, bagkus ito ay physical matter.

Pero kapag sumanib ito sa living cells, doon pa lamang siya kakalat.


Over acting ang lockdown na siyang aktuwal na sanhi ng pagkamatay ng maraming biktima.


◘◘◘


SERYE ng tumpak na desisyon ang sagot sa lahat ng klase ng krisis.


Ang mga desisyon ay bunga ng korupsyon at kasakiman ng tao.


◘◘◘


MARAMING kapitalista at taong gobyerno ang nagkamal ng salapi sa panahon ng lockdown kaya't 'yan ang kanilang ipinatupad.


Kaawa-awa ang ordinaryong mamamayan kapag ang mga lider ay walang kakayahang magdesisyon nang tumpak.


◘◘◘


PINALALALA ang krisis ng talamak na korupsyon sa gobyerno at pagiging ganid at sawapang ng mga tiwaling negosyante.


Walang solusyon dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page