top of page
Search
  • BULGAR

Bentahan ng fake meds online, kalat na

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 7, 2023


Malaki talaga ang problema natin pagdating sa ilegal at pekeng gamot.


Sa ngayon, tinatalakay natin dito sa Senado ang online component ng illegal transactions dahil nga maraming fake at illegal health & wellness products ang ibinebenta sa internet.


Nakakalungkot din dahil mga kilalang celebrities ang endorsers kaya maraming naeengganyo.


Nakababahala na ang paglipana nito, lalo pa’t marami rin tayong nababalitaan na ibinebentang mga beauty and wellness products na walang approval ng Food and Drug Administration, na madaling bilhin online at sa multi-level groups kahit walang prescription mula sa mga doktor.


☻☻☻


Nangako ang FDA na palalakasin pa lalo ang crackdown nila sa mga unregistered na produkto at counterfeit na gamot.


Maglulunsad daw ito ng “Oplan Katharos,” kasama ang National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police bilang pagtugon sa problemang ito.


Mahalagang mabigyan ng karampatang suporta ang programang ito upang maprotektahan ang ating mga kababayan sa banta ng mga pekeng gamot.


Kung seryoso talaga tayong masugpo ang illegal at organized criminal activities, siguro naman mas tama nating gamitin ang intel funds dito — para matukoy natin ang mga network at source ng mga ilegal na produktong ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page