Sa January 28 na... Chelsea, gustong haranahin ni Benjamin sa kasal nila

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 5, 2024

Inanunsiyo ng aktor na si Benjamin Alves at ng content creator na si Chelsea Robato na magaganap ang intimate wedding nila sa Makati sa ika-28 ng Enero pagkatapos ng isang taon ng kanilang engagement.
Nag-share ang aktor ng vibes at ambiance na gusto nila para sa kanilang kasal.
“We wanted the place to not look static, so it’s alive, like it’s something immersive, so when you enter the reception area, you feel like you’re somewhere else,” pahayag ni Alves.
Ibinahagi naman ni Robato kung ano ang inaasahan niya mula sa aktor bago sila magsabi ng 'I Do.'
“I didn’t have anything in mind, actually. I’m not the dreamer type. The only thing I asked him was that you have to cry when I walk down,” paliwanag niya.
Ipinaalam din ng aktor na gusto ng kanyang mapapangasawa na magkaroon ng harana sa kanilang kasal, isang bagay na sinabi ni Robato kay Alves mula pa sa kanilang unang date.
“Gusto niya ng harana daw sa reception, but bahala na. We’ll see,” sabi ni Alves.





Comments