Benepisyong makukuha ng mga may bagong negosyo sa ilalim ng RA 11337
- BULGAR

- Jun 29, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 29, 2020
Dear Chief Acosta,
Ang aming samahang magkakapitbahay sa aming lugar ay nagkaroon ng pagkakataong magamit ang aming mga naipong telang abaka at pinagkukunan nito upang makagawa ng mga maaasahan, matitibay at “reusable face masks” para sa “new normal” na kinakaharap ng ating bansa. Mayroon na bang umiiral na batas para kami ay matulungan ng pamahalaan para maging legal at patuloy na umusad ang aming negosyo? Anu-ano ang mga insentibo kaugnay nito? – Leon
Dear Leon,
Para sa inyong kaalaman, noon pang 2019, mayroong batas na ipinasinaya sa ating bansa tungkol sa inyong itinatanong. Ito ay ang Republic Act (R.A.) No. 11337 o mas kilala bilang “Innovative Start-Up Act,” na may layuning tulungan at paunlarin ang mga bagong negosyong makatutulong sa pagpapaunlad ng trabaho, produksiyon o alinmang industriya sa ating bansa.
Maliwanag sa Section 7, Chapter 1 ng nasabing batas ang mga sumusunod na insentibo para sa tulad ninyo:
“Section 7. General Registration and Operational Benefits and Incentives. — Host agencies shall be authorized to provide the following benefits and incentives to startups and/or startup enablers who have passed their selection and application process:
(a) Full or partial subsidy for the registration and cost in the application and processing of permits and certificates required for the business registration and operation of an enterprise with the appropriate local or national government agencies:
(b) Endorsement of the host agency for the expedited or prioritized processing of applications with other government agency;
(c) Full or partial subsidy for the use of facilities, office space, equipment, and/or services provided by government or private enterprises or institutions;
(d) Full or partial subsidy in the use of repurposed government spaces and facilities of the host agency as the registered business address; and
(e) Grants-in-aid (GIA) for research, development, training, and expansion projects[...]”Sa kahalagahan ng inyong natuklasang industriya, maaari kayong matulungan ng ating pamahalaan upang paunlarin at pagtibayin ang inyong negosyo base sa nabanggit na batas sa itaas, na siyang maiuugnay sa kaukulang mga panuntunan na inilathala ng Department of Trade and Industry (DTI), ang pangunahing ahensiyang maaari ninyong lapitan upang mapaunlad ang inyong negosyo.
Maaari rin kayong dumulog sa Department of Agriculture, lalo na kung may kaugnayan ang inyong industriya sa paghahabi ng abaka na maaaring inyong tanim sa inyong lugar at upang kayo ay kagyat nilang maipasok sa mga programang kanilang ipinaiiral kaugnay ng batas na ito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments