top of page
Search
  • BULGAR

Benepisyo ng mga guro, wala dapat lamangan

@Editorial | December 13, 2023


Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay tila wala pang maayos at malinaw na plano ukol sa nararapat na benepisyo para sa mga guro.

 

Nais kasi ng Mababang Kapulungan na bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga guro na humahawak ng malalaking klase sa mga pampublikong paaralan, na siyang tinutulan ng Department of Education (DepEd).

 

Para sa DepEd, mas makabubuti umanong maging basehan ang suweldo ng mga guro sa kanilang ‘workload’ kaysa laki ng klase.

 

Maaari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng karagdagang problema sa mga opisyal ng eskwelahan kung saan maaaring maging mitsa ito ng agawan ng mga guro sa mga klase na mayroong mas maraming estudyante. 

 

Samantala, nabatid na may dinidinig na panukulang batas ang House Committee on Basic Education na lilimitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa isang klase sa lahat ng pampublikong paaralan.

 

Nakasaad na dapat hanggang 35 lamang ang mga mag-aaral sa bawat klase.

 

Masasabing hindi nga patas para sa mga gurong may hawak ng malalaking klase kung hindi sila mabibigyan ng karagdagang benepisyo, ngunit kung iisipin din ang sakripisyo ng ibang guro ay hindi ito patas para sa kanila.

 

Ito ang isa sa dapat tutukan ng gobyerno dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang hinaing ng mga kaguruan sa ating bansa sa mababang suweldo at hindi sapat na benepisyo.

 

Wala dapat lamangan dahil lahat sila ay araw-araw na nagsasakripisyo maibigay lang ang magandang edukasyon para sa mga mag-aaral.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page