top of page
Search

Belle, buwis-buhay, lumambitin sa ere sa concert

BULGAR

by Angela Fernando @News | July 15, 2024



File photo

Ibinahagi ni Belle Mariano sa Instagram story ang ilang clips at larawan mula sa kanyang ginanap na “BELIEVE the concert” kamakailan na ginawa rin upang ipagdiwang ang kaarawan ng aktres kasama ang mga tagasuporta nito.


Talaga namang bumuhos ang suporta ng mga fans ng aktres lalo pa't kasama nito sa concert ang kanyang ka-love team na si Donny Pangilinan na game na game ring nakikanta at nakisayaw upang libangin ang very energized na crowd.


Belle Mariano
Photo: Belle Mariano Fanpage

Pasabog naman ang ginawang pagsasayaw ni Belle habang nakalambitin ito sa ere at marami ngang netizens ang nagsabing pigil-hininga sila sa buwis-buhay at magaling na performance ng aktres.


Nakasama ng aktres sa kanyang concert ang ilang kilalang personalidad katulad nina Moira Dela Torre at Denise Julia. Maraming fans din ang nanghihingi ng part 2 ng kanyang concert na tila “hangover” pa mula sa very magical na gabi na ibinigay sa kanila ni Belle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page