top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Believe Me, liyamado sa 3-Year Old sa SLLP

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 3, 2022



Nakatuon ang mga liyamadista kay Believe Me sa magaganap na 3-Year-Old Maiden race ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Inaasahang malaki ang magiging benta sa takilya ni Believe Me dahil ipinapatok ito ng tipsters sa programa ng karera, ilalarga ang nasabing karera sa pangalawang race.


Sasakyan ni jockey JL Paano, makakalaban ni Believe Me sina Flair Bottom, Platinum Bell, Gee's Colt at Pakikisama sa distansiyang 1,400 meter race.


Komento ng ibang karerista na alanganin pa rin silang mag-single bet kay Believe Me kaya posibleng magdagdag pa sila ng isa pang kabayo sa gagawin nilang winner take all, (WTA). "Para malaki ang tsansa na makapuntos ay dalawang kabayo ang isasama ko para sa gagawin kong winner take all," saad ni Benjie Recosana, veteran karerista.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng pitong tigasing kabayo sa Condition Race merge na pakakawalan sa pang-anim na karera.


Magtatagisan ng bilis sa 1,400 meter race ay sina Ambisioso, After Party, Electrify, Refuse To Lose, Eazacky, Speeding Hero at Top Czar.


Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI), magsisimula ang unang race ng 6:15 p.m.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Noir (5), Sayaw Kikay (6)

Race 2 - Believe Me (2), Platinum Bell (3)

Race 3 - Main Event (4), Iikot Lang (2)

Race 4 - Super Master (5) Krugerrand (2)

Race 5 - Blazing Bullet (2), Rockaway (1)

Race 6 - Top Czar (7), Eazacky (5)

Race 7 - Commodora (11), Barayong (3), Forbidden City (7)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page