top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Beli bell, panalo sa Handicap System

BULGAR
Jul 11, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 11, 2022


Walang kahirap-hirap na sinikwat ni Beli Bell ang panalo sa naganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas, noong Sabado ng hapon.


Ginabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the Year awardee, Jonathan Hernandez, tinutukan ni Beli Bell ang matulin sa alisan na si Palauig.


Nakamasid naman sa tersero puwesto ang liyamadong si Life Gets Better na sinakyan ni RD Raquel.


Pagdating ng huling 400 metro ng karera ay kumapit na sa unahan si Beli Bell at pagsapit ng rektahan ay nakuha ng winning horse ang unahan at tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa nasegundong si Bomod Ok Falls.


"Magaling na kabayo si Beli Bell kaya sa tingin ko maraming beses pa itong mananalo sa mga susunod niyang laban," saad ni Henry Legaspi, veteran karerista.


Inirehistro ni Beli Bell ang 1:10 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ang added prize na P10,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Tumersero si Life Gets Better, pumang-apat si Palauig habang pang-lima si Doktora.


Samantala, nagpakitang-gilas din si Winge Heart nang manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pinakawalan sa pang-limang karera.


Sinakyan ni Pabs Cabalejo, inilista ni Winged Heart ang tiyempong 1:11.8 sa 1,200 para ibulsa ang karagdagang premyong P10,000.


Dumating na segundo si See You Tomorrow, tersero si Cupid Bell habang pang-apat si Laktod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page