Belen ng NU hindi binitiwan ang bentahe sa UAAP Final 4
- BULGAR
- Apr 30, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 30, 2023

Sinakmal ng National University Lady Bulldogs ang twice-to-beat advantage patungong Final Four matapos magpamalas ng all-around performance si reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen na nagsumite ng pambihirang triple double upang pormal na selyuhan ang pagsungkit ng twice-to-beat advantage kasunod ng isang come-from-behind panalo laban sa nalaglag na Ateneo Blue Eagles, 21-25, 28-30, 25-14, 25-13, 15-13, Sabado ng hapon sa huling linggo ng eliminasyon ng 85th UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Sinuportahan ang 20-anyos na outside hitter mula Quezon City ng apat pang manlalaro ng Lady Bulldogs sa doble pigura, habang nagpamahagi rin ng mahusay na opensa si ace playmaker Camila Lamina upang makuha ni Belen ang game-high 26 puntos mula sa 25 atake, kasama ang game-high 19 excellent receptions at team-high 15 excellent digs ang 20-anyos na outside hitter mula Quezon City, habang sumegunda sa puntusan si Alyssa Solomon sa 25pts mula 22 kills, dalawang aces at isang block, kung saan namahagi si Lamina ng 17 excellent sets, kasama ang 3 puntos.
“Inisip lang namin na [we need] na mag-focus sa game and do our best para makuha namin yung panalo,” pahayag ng last season Best setter na inakyat ang koponan sa 11-3 kartada at naghihintay na lamang ng makakatapat sa Final Four.
Tumulong din para sa Lady Bulldogs na malampasan ang mabagal na panimula ng masadlak sa magkasunod na sets mula kina middle blockers Erin Pangilinan at Sheena Toring na nag-ambag ng parehong 13 puntos, habang si last playing year senior Princess Robles ay kumarga ng 11pts. “Medyo started slow kami kase mukhang pinaghandaan talaga nila kami. But, we gave everything inside the court kaya nagawa naming makabalik,” saad ng 21-anyos na 5-foot-5 playmaker.








Comments