Beermen, tinungga uli sa Game 2 ang Gin Kings
ni Clyde Mariano @Sports | January 27, 2024

Muling tinalo ng San Miguel Beermen ang defeding champion Barangay Ginebra, 106-96, at lumapit ng isang laro para kunin ang unang final slot sa Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.
Kailangang talunin muli ng Beermen ang Kings sa Linggo sa MOA para umabanse sa finals sa pamamagitan ng sweep. Nagsanib-puwersa sina Benny Boatwright, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at CJ Perez sa huling apat na minuto at dalhin sa pangalawang sunod na panalo ang SMB at lumapit sa isang laro para kunin ang unang final seat at palakasin ang kanilang ambisyon na bawiin ang korona sa Commissioner’s Cup na huli nilang hinawakan noong 2019 nang talunin ang mortal na karibal Talk ‘N Text matapos ang 1-2 deficit.
Umiskor ang SMB ng 11 points at nilimita ang Barangay Ginebra sa solid defense at nilimita si Tony Bishop sa single basket sa papaupos na minuto.
Kung matagumpay na manalo ang SMB sa Game 3 sa linggo sa pamamagitan sweep malaking insulto kay coach Tim Cone na pamoso sa tawag na “Dean of Filipino Coaches” dahil sa maraming pinanalo ng mahigit 20 PBA titles. “Overall, we played well balanced game. Our offense and defense complimented each other. June Mar Fajardo gallantly held his ground defending against Christian Starhardinger,” sabi ni coach Jorge Gallent.
“The series still not over. We have play better and prepare against Barangay Ginebra in Game 3. Barangay Ginebra is determined to bounce back,” wika ni Gallent na target ang unang PBA title.
Tumipa si Benny Boatwright ng 38 points kasama ang top-of-key triple na nagbigay sa SMB ng 99-91. Nag-ambag sina Fajardo, CJ Perez 17 at Marcio Lassiter ng 16 na itinanghal na best player of the game.





Comments