Beermen, nilasing Fiberxers abanse na sa semifinals
Updated: Mar 23, 2023
ni Clyde Mariano @Sports | March 20, 2023

Tinalo ng San Miguel Beer ang Converge, 121-105, at umabante sa semifinals sa Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Dala ang twice-to-beat advantage at kailangang talunin ng isang beses ang Fiberxers, sumandal ang Beermen sa mainit na opensiba sa second half at unang koponan na pumasok sa four teams semis at palakasin ang kanilang ambisyong bawiin ang korona sa Governors Cup na kanilang napanalunan ng limang beses mula 1993 at ang huli 2015.
Ang panalo ay hindi lang nagpalakas sa SMB sa kanilang title campaign na kasalukuyang hawak ng Barangay Ginebra at binawian ang Converge na tumalo sa kanila sa huli nilang pagharap 103-107 kung saan na-outgunned ni Jamaal Franklin si Cameron Clark sa scoring contest.
Sa pagkakataong ito, tinalo ni Clark, naglaro sa Uruguay at NLEX si Franklin sa pangalawa nilang match up. Malaking tulong ang ibinigay nina CJ Perez, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Simon Enciso at Chris Ross sa panalo ng SMB na mataas ang morale matapos talunin ang Rain or Shine sa huli nilang laro sa elimination.
Nagpakita nang matinding pagtutol ang Converge na kinuha ang lamang sa first half, 58-57.
Subalit hindi na-sustain ng Fiberxers ang kanilang laro at bumigay sa krusyal second half at nabigo sa una nilang pagtangka sa Governors Cup matapos mabili ang franchise ng Alaska. “We couldn’t get our rhythm in the early going. It’s only in the second half we got our bearing,” sabi ni coach Jorge Gallent.
Target ni Gallent ang unang PBA title matapos palitan si long time coach Leo Austria matapos mabigo ang veteran mentor at ex-PBA player taga- Sariaya, Quezon.





Comments