Beermen nilaseng, isinilid sa container ang Batang Pier
Updated: Jun 3, 2023
ni Clyde Mariano @Sports | April 28, 2023

Gaya ng inaasahan at dahil malalim ang bench at malawak ang championship experienced, ikinulong ng San Miguel Beermen ang Batang Pier sa loob nang kanilang container sa North Port at iposte ang unang panalo, 87-75, sa dalawang laro sa PBA Preseason Tour sa muling pagbabalik sa Caloocan Sports Complex kung saan natalo ang mga bata ni coach Jorge Gallent sa una nilang laro sa Phoenix LPG, 101-106.
Siniguro ng SMB hindi na mauulit at dadanas na pangalawang sunod na talo kaya dinomina ang laro mula sa simula at kunin ang unang panalo at itarak sa North Port ang pangalawang sunod na kabiguan matapos yumuko sa Meralco, 89-97, sa una nilang laro.
Umarangkada agad ang Beermen 13-0 run sinira ang 6-all deadlocked tungo sa 19-6 matapos ang first quarter.
Inspired sa kanilang laro kumamada uli ang Beermen ng panibagong 11-0 run for 30-6. Subalit nagrelax at niluwagan ng SMB ang kanilang depensa matapos lumamang na malaki nakalapit ang North at nagawang tapyasin ang double digit lamang ng 5 points, 39-34 ending the first half.
Hindi na binitawan at nanatili ang Beermen sa itaas at nakipagpalitan ng tira sa fourth quarter at kunin ang impresibong panalo laban sa NorthPort na dating hawak ni coach at team consultant Pido Jarencio.
“Nagrelax at lumawag ang depensa sa second quarter. I reminded the players to sharpen their offense and solidify their defense in the second if they want to win the game. They did just right,” sabi ni coach Jorge Gallent. Pinalitan ni Gallent si long time coach Leo Austria sa Governors Cup.
Pinalakas ang SMB nina Terrence Romeo, CJ Perez, Macio Lassiter, June Mar Fajardo at Christian Standhardinger. Ang torneo ay tune-up games ng mga koponan sa Philippine Cup sa October matapos ang Asian Games sa September sa Hangzhou, China.





Comments