top of page
Search
BULGAR

Beermen at Gin Kings, pakay ang ika-2 panalo

ni Eli San Miguel @News | May 18, 2024


Target ng top seed defending champion San Miguel Beermen at sister team Barangay Ginebra Gin Kings ang pangalawang sunod na panalo at lumapit sa isang laro sa best-of-five via sweep nang umabante sa best of seven finals sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia kamakalawa.


Mataas ang morale at fighting spirit sa panalo sa Game 1, haharapin ng Beermen ang ROS E-Painters ng 6 pm ngayon matapos ang 3 pm engkwentro ng Kings at Meralco Bolts.


Nilasing ng SMB ang E-Painters, 101-98, at pinahina ng Kings ang Bolts, 92-88 sa kabayanihan ni Stanley Pringle sa huling 31 secs matapos sumablay ang tres ni Allein Maliksi.


Nasa SMB at Barangay Ginebra ang initiative at momentum sa panalo sa initial game sa semis. Tiyak gagamitin ng Beermen at Kings ang “jumping board” sa second game at lumapit sa isang panalo at magharap sa best-of-seven finals.


“The semifinal is best-of-five. We’ll win this game to inch closer to the finals. Pipilitin namin at ayaw naming malagay sa maselang bagay,” sabi ni coach Jorge Gallent.


Target ni Gallent ang pangalawang sunod na PBA title matapos manalo sa Commissioner’s Cup na tinalo ang sister team Magnolia Hotshots.


Para kay RoS coach Yeng Guiao hindi pa tapos ang playoff. Tiyak na gagawin ng 7x PBA champion ang lahat at malawak na karanasan na maitabla ang laro. “It’s not over yet. Babawi kami sa Game 2. We put up a good fight and gave SMB a big scare despite playing the underdog. We nearly succeeded forced an overtime kung hindi sumablay ang huling shot namin,” sabi ni Guiao.


Muling pangunguhan ni Fajardo kasama sina CJ Perez, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Chris Ross, Moala Tautuaa ang opensiba ng SMB.


Ayon sa Pangulo, kinakaharap ng bansa ang maraming mga hamon habang isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang pagbabago.


“What we are facing now are a blatant disregard of internationally accepted principles and deployment of weapons of mass distraction by parties who seek to drive a wedge between a united citizenry,” anang presidente.


“But people are not fooled. They can see through such schemes. So, these attempts to divert our attention, dissipate our energy better spent on making the country should not draw us away from the urgent tasks ahead,” dagdag niya.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page