ni Clyde Mariano @Sports | February 12, 2024
Gaya nang inaasahan ng mga miron sa tomaan ay nakuha ng San Miguel Beermen ang ikatlong panalo sa 48th PBA Commissioners Cup final Game 5 at itarak ang 3-2 lead laban sa Magnolia Hotshots, ______ kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtulong sina Benny Boatwright at JuneMar Fajardo sa tig-18 at 19 puntos para palamangin ang abanse ng Beermen na ikinataas na ng morale ni coach Jorge Gallent dahil naaamoy na nila ang korona sa isang hakbang na lamang.
Nasayang naman ang 30 puntos na kinalabaw ni Tyler Beik Bey at 17 puntos ni Jio Jalalon upang tuparin sana ang pangako at itaga sa bato na kunin ang panalo sa Game 5, pero nabigo sila.
Ang Game 6 ay lalarga sa Miyerkules at kung papalarin ang Beermen ay makukuha na nila ang kampeonato, pero kung babawi ang Magnolia Hotshots ay may do-or-die game na magaganap at mapapalawig pa sa Game 7.
Samantala, sinimulan ng mataas na signal ang title campaign Cignal HD Spikers sa men’s division at nagawang lampasuhin ang College of Saint Benilde sa tatlong straight sets, 25-19, 25-21, 25-20, sa PNVF Champions League 2024 sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Habang tinalo ng Savouge Spin Doctors ang Philippine Navy, 25-21, 15-25, 125-22, 25-22, sa pangalawang laro. Nakuha ng HD Spikers ang unang panalo isang araw mabigo ang kanilang women counterpart na nabigong masungkit ang korona nang taluin ng Petro Gazz Angels sa winner-take-all five sets.
“Good start,” sabi ni coach Dexter Clamor. “Sana tuloy-tuloy na ito hanggang sa matapos ang tournament. We played balanced game and my spikers delivered. Lahat sila nagtulong-tulong sa panalo,” wika ni Clamor.
Tulad sa inaasahan nagtulong-tulong sina Joshua Umandal, John Paul Bugaoan at Lloyd Josapat sa pagdispatsa sa Blazer sa laro na tumagal ng mahigit isang oras.
Comments