top of page
Search
  • BULGAR

Beerhouse at mga bar sa ‘Pinas, susuyurin!

ni Ryan Sison - @Boses | September 29, 2020



Pagdating sa kasiyahan, hindi nauubusan ng paraan ang mga Pinoy.


At kahit ngayong nanalasa ang pandemya, marami ang ayaw paawat kahit labag na sa mga ordinansa o patakaran na umiiral.


Tuloy ang mga birthday party, inuman at kung anu-ano pa na madalas, nauuwi sa hawaan ng mga dumalo.


Kamakailan, mahigit 100 katao ang nahuling nagpa-party sa isang restobar sa Quezon City, at sa Makati naman, 30 Chinese ang naaaktuhang puma-party sa isang KTV bar.


Kaugnay nito, inatasan ng JTF COVID Shield ang mga station commander na mahigpit na bantayan ang mga beerhouse at bar sa buong bansa para matiyak na hindi nalalabag ang health protocols.


Kasabay ng paalala ang babala na oras na maaktuhan sa bar o beerhouse, aarestuhin ang mga ito dahil ang pagtanggap ng kostumer ay maituturing nang paglabag sa IATF guidelines, gayundin sa mga lokal na ordinansa.


Hindi naman na bago sa atin ang insidente ng hawaan ng virus at impeksiyon ang pakikipag-inuman o party.


Gayunman, bagama’t pinapayagang magbukas ang ilang establisimyento, limitado naman ang puwedeng ibenta.


Patuloy ang panawagan natin sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng koordinasyon sa pulis para matiyak na mapananagot ang sinumang lalabag.


Lalo pa’t kamakailan ay naiulat na umabot na sa 424,000 katao ang lumabag sa quaratine protocols, at kabilang na rito ang mga lumabag sa curfew at liquor ban.


Pakiusap naman sa mga negosyante, ‘wag ilagay sa panganib ang kalusugan ng publiko para lang sa negosyo. ‘Ika nga, ‘wag pera-pera, pairalin ang malasakit para iwas-aberya.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page