Bebot ninakawan, nireyp ng kapitbahay
- BULGAR

- Sep 3, 2023
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | September 3, 2023

Isang babae ang umano'y ninakawan at ginahasa ng kapitbahay sa San Pedro City, Laguna.
Personal na nagtungo sa San Pedro City Police Station ang biktimang si alyas Ana, upang magsampa ng reklamo laban sa suspek na si 'Sonny'.
Sa inisyal na imbestigasyon, Agosto 5, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente.
Pumasok umano ang suspek sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa sliding door at nang makapasok ay kinuha ang dalawang cellphone, mga alahas at cash na 'di pa matiyak ang halaga.
Pagkatapos nito, hinalay din umano ng suspek ang biktima at pinagbantaan bago tumakas.





Comments