top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Bebot, nag-bomb joke sa eroplano, kulong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 23 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | September 2, 2026



Babae nag bomb joke sa Daniel Z. Romualdez Airport San Jose sa Tacloban City - PNP-PIO

Photo: PNP-PIO



Kalaboso ang isang babaeng pasahero matapos mag-bomb joke sa loob ng eroplano sa Daniel Z. Romualdez Airport San Jose, Tacloban City.


Nangyari ang insidente habang ang pasahero ay nasa galley ng isang flight patungong Manila.


Nilapitan ng babaeng pasahero ang isang cabin crew upang humingi ng tulong na makuha ang kanyang laptop na naiwan sa departure area. Agad namang nakipag-ugnayan ang cabin crew sa ground crew para sa isang radio announcement tungkol sa nawawalang laptop.


Isang ahente ng airline ang nakahanap sa laptop at ibinalik ito sa may-ari.

Gayunman, bago ang turnover, hiniling sa pasahero na buksan ang laptop para sa beripikasyon subalit sumagot ito ng pabiro na, “Ay, may bomba ’yan”.


Agad isinailalim ang pasahero sa security protocol kasabay ng paghuli ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group.


Inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa pasahero para sa posibleng paglabag sa Presidential Decree No. 1727, o ang Anti-Bomb Joke Law habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page