top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bebot nag-amok sa tren, 3 pasahero pinagsasaksak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2023
  • 1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 7, 2023




KOREA — Isang 37-anyos na ginang ang nanaksak ng 3 kapwa pasahero sa subway nitong Sabado sa Yongin, Gyeonggi Province, South Korea.


Nakasuhan ang suspek matapos pagsasaksakin ang 2 babae, kapwa tinatayang na nasa edad 60, at isang lalaki, tinatayang nasa edad 50, sa loob ng tren papuntang Jukjeon Station.


Isa sa mga biktima ang sumailalim sa operasyon.


Base sa imbestigasyon, may kausap umano ang suspek sa telepono nang isa sa mga biktima ang nakiusap na hinaan ang kanyang boses, at tinawag umano siya na “ajumma” o ale na kanyang lubos na ikinagalit.


Humilin na ng warrant of arrest ang pulisya para sa suspek base sa kasong “special violence” na may parusang 1-10 taong pagkakakulong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page