top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bebot na naiwanan ng mga pinsan sa ‘pinas, makapag-a-abroad din

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 03, 2021



Dear Maestro,

Mula nang magkaroon ng pandemya at nawalan ako ng trabaho, lalong nagkahirap-hirap ang buhay namin. Kaya nais kong malaman kung sa edad kong 37, may pag-asa pa ba akong makarating sa ibang bansa at makapagtrabaho roon kahit na bilang katulong? ‘Yung dalawang pinsan ko ay nakaalis na at ako na lang ang natira dahil may kaunting problema sa papeles ko, pero sabi ng agency namin, makakaalis din ako.

Sa ngayon ay tinutulungan ako ng tiyahin ko para sa mga papeles at panggastos. Kausap ko na rin ‘yung isang pinsan ko na nasa abroad at nangako rin siyang tutulungan niya ako. October 10, 1985 ang birthday niya. Compatible ba kami at kapag nasa abroad na ako, tototohanin ba niya ang kanyang pangako na tutulungan ako roon? Isinilang ako noong April 13, 1984.

Umaasa,

Ms. Aries ng Bagbag, Novaliches, Quezon City

Dear Ms. Aries,

Madalas, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga kaibigan natin ang siyang nagiging blessing sa ating buhay at minsan naman, sila rin ang hindi sinasadyang nagpapahamak sa atin.


Ganu’n talaga ang buhay dahil kadalasan, hindi mo naman mapipili ang kaibigan, kumbaga sa kamag-anak, kusa rin silang dumarating sa ating karanasan. Ang kaibahan lamang ng kaibigan sa kamag-anak, ‘yung kaibigan ay puwede mong iwasan at hindi mo na siya gawing kaibigan, pero ang kamag-anak, kahit anong iwas ay mananatiling kadugo at kamag-anak habambuhay.


Samantala, nakatutuwang isiping compatible ang birth date mong 13 o 4 (1+3=4) sa birthday ng pinsan mo na 10 o 1 (ang 10 ay 1+0=1) kung saan, kadalasan ang mga numerong uno (1, 10, 19, at 28) na tulad niya ay siyang nakatutulong sa mga numerong kuwatro (4, 13, 22 at 31) tulad mo. Kaya siyento-porsyento, bibigyan ka niya ng suwerte at sa kabilang banda, suwerte rin siya sa iyo. ‘Ika nga sa wikang English, “vice-versa” ang inyong kapalaran – bigayan ng suwerte at bawasan ng kamalasan.


Hindi lang ang numerong uno (1) at kuwatro (4) ang magkatugma. Sa halip, ang zodiac sign mong Aries ay angkop din sa zodiac sign na Libra ng iyong pinsan, sapagkat ang Aries at Libra ay “complementary compatible” sa isa’t isa. Ibig sabihin, ang mga bagay na nawawala sa iyo ay maibibigay niya habang ang mga bagay na hinahanap niya ay sa iyo naman niya matatagpuan. Gayundin, ikaw ang huhusto sa kanya sa mga bagay na wala siya at siya rin naman ang huhusto sa iyo sa mga bagay wala ka.


Kaya ngayon pa lang, magsaya ka at buuin mo na ang iyong loob na makakaalis at makapag-a-abroad ka. Ayon sa iyong Travel Calendar, basta magtiwala ka lang sa iyong pinsan, hindi ka niya pababayaan, tiyak na ang magaganap — sa huling hati ng taong ito, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, matutupad na ang iyong pangarap. Sa tulong ng iyong kaibigan, makapag-a-abroad ka hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad ang iyong career at kabuhayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page