top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Beauty Queen at mister, kulong sa pagnanakaw ng $1.7M wine

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 8, 2023



SPAIN — Nahatulan ng 4 na taong pagkakakulong ang mag-asawa matapos magnakaw ng 45 boteng wine na nagkakahalaga ng nasa $1.7 milyon (£1.4 milyon).


Kinilala ng korte ang mga suspek na sina Tatania at Estanislao, ngunit nakilala sila ng media bilang sina Priscila Guevara, dating Mexican beauty queen, at si Constantin Dumitru.


Ayon sa awtoridad, matapos kumain sa isang Michelin star restaurant ay nag-tour ang mga suspek sa wine cellar. Bumalik umano si Estanislao ng madaling-araw para i-raid ang cellar gamit ang nanakaw na susi at kalaunan ay tumakas dala-dala ang mga naturang wine.


Ipinag-utos naman ng korte ang pagbabayad ng mga suspek ng higit €750,000 danyos.

Samantala, hindi pa pinal ang kanilang sentensiya at may pagkakataon pa ang mga suspek na umapela.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page