top of page
Search
  • BULGAR

Bea, ghinosting daw ni Gerald dahil sa kanya… JULIA, IPINAGDIINANG WALANG KASALANAN

KAYA NEVER MAGSO-SORRY.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 24, 2021



Nasangkot sa kontrobersiya ang pangalan ni Julia Barretto dahil sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Siya ang itinurong dahilan kaya ghinosting daw ni Gerald si Bea.


Sa vlog ng dating PBB housemate na si Joe Vargas na Sagot o Lagot, tinanong ang aktres kung meron ba siyang dapat ihingi ng “sorry” dahil sa nangyari.


Si Marco Gumabao na kasama ni Julia as guest on Joe’s vlog ang mabilis na sumagot ng, “Ako, kay God. Alam mo 'yun kung bakit.”


Napangiti lamang si Julia bago nito sinabing “none”.


Kahit pa ano pang pagbabakasakali nina Joe at Marco na pasagutin si Julia, wala silang nakuhang sagot mula sa aktres tungkol sa isyu.


Ang sinabi lang ng aktres, “Siguro, kung magso-sorry, ‘yung simpleng… 'yung alam mo kunwari, pagod ka, tapos nailalabas mo sa mga kasama mo minsan... Siguro, 'pag feeling nila ay natarayan ko.”


Sa nasabing vlog, parehong tinanong ni Joe sina Julia at Marco kung may nagawa ba silang kasalanan in the past that they ever regret doing. 


Ani Julia, “Major? Wala!”


Ang kanya lang daw pinagsisisihan ay ang hindi paglilinis ng kanyang kuwarto.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page