BDO pinarangalan ng The Asset awards sa pagsuporta sa mga negosyo sa ilalim ng COVID-19 pandemic
- BULGAR
- May 20, 2021
- 2 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | May 20, 2021

Hello, Bulgarians! Sa ikalawang sunod na pagkakataon, pinangalanan ang BDO Unibank bilang “Best in Treasury and Working Capital - Limited Liability Company (LLC)” sa Pilipinas ng The Asset awards. Ito ay dulot ng pagsuporta ng BDO sa mga negosyo at entrepreneurs at sa mga matatagumpay na partnership nito sa multinational companies at large corporate clients.
Kinilala din ng The Asset awards ang BDO Unibank bilang “Best Service Provider - Cash Management” dahil sa matatag at maasasahang serbisyo nito sa pagtulong ng mga kliyente tungkol sa kanilang payment and collection processes. Ito ang pangatlong beses na nakuha ng BDO Unibank ang gantimpala.
Sa tulong ng BDO Unibank, madaming negosyong Pilipino ang nakapagpatuloy ng kanilang operasyon noong 2020 sa kabila ng COVID-19 pandemic. May mga ibang kumpanya na kumuha ng BDO Loans para mapalawak ang kanilang working capital, habang ang iba naman ay gumamit ng BDO Cash Management Services (CMS) para matugunan ang mga hinihinging requirements tungkol sa collection at payment.
Kinilala ng The Asset ang kakayahan ng BDO Unibank na magbigay technological tools na nakatutulong sa operasyon ng mga kumpanya sa ilalim ng COVID-19 pandemic. Kinilala din ng The Asset ang paglago ng e-banking business platform ng BDO Unibank.
Ang Asset Triple A Treasury, Trade, Sustainable Supple Chain and Risk Management Awards ay nagbibigay ng gantimpala sa mga kumpanya at pinansiyal na institution na kumikilala sa kanilang mga proyekto tungkol sa corporate treasury management, trade finance, supply chain, and/or risk management. Ang mga napangaralan ay sinuri base sa kanilang service solutions, business statistics, client feedback at iba pang impormasyon na nakuha sa ilalim ng review period.
Ayon sa The Asset, na-highlight ng mga nanalo ngayon ang kahalagahan ng “automation in treasury and digital delivery, liquidity and investment, treasury centers and managing exposure in FX, rates, credit, and commodities.” Dagdag pa nila, ang mga ito ay naging kritikal sa treasury management ng mga kumpanya sa ilalim ng COVID-19 pandemic.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.




Comments