top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BDO Network Bank, may solusyon para sa dagdag-puhunan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25, 2021
1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 25, 2021




Hello, Bulgarians! Bakit nga ba maraming Pinoy ang umaalis at nagtatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino? Dahil tulad ng karamihan, gusto nilang guminhawa ang kanilang buhay at ng kanilang pamilya.


Pero ang totoo, napakahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay. Kung mayroon lamang pagpipilian, mas masaya at mainam pa rin ang kumita na kasama ang pamilya sa sariling bansa. Kaya kung nakapagtayo na ng negosyo rito, bakit hindi nalang subukang mag-expand o paluguin ito?


Ganito ang naging kuwento ni Virginia Salvador na mula sa Santiago, Isabela. Sampung taon siyang nagtrabaho sa Lebanon at nakipagsapalaran. Ngunit dahil hindi na siya nakaalis muli mula noong umuwi siya sa Pilipinas ng 2019, nagdesisyon na lamang siyang tutukan ang kanyang sari-sari store.


Makalipas ang sandaling panahon, ang dating maliit na tindahan ay napalaki niya sa tulong ng MSME Loan ng BDO Network Bank. Nagkaroon si Virginia ng dagdag-pondo pambili ng mga paninda. Ngayon, kumikita na siya ng higit pa sa kanyang sahod noong nasa Lebanon siya.


Aniya, “Ngayong patuloy na lumalago ang aking negosyo, nag-decide na rin akong hindi na bumalik abroad at magpo-focus na lamang ako sa aking negosyo. Mas masayang kumita ng pera kasama ang iyong pamilya.”


Sa mga overseas Filipinos o kamag-anak nila na tulad ni Virginia na nangangarap mapalaki ang maliit na negosyo, bumisita lang sa pinakamalapit na BDO Network Bank sa para malaman kung paano mag-apply ng MSME Loan. Maaaring bisitahin ang BDONB Facebook page (fb.com/BDONetworkBankPH) o ang BDONB website (bdonetworkbank.com.ph/).

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page