top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BBM, todo-pramis na wawakasan ang endo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 25, 2022



SAPOL ANG TATAY NI SARA SA TIRADA NI BBM–Ipinangako ni presidential candidate Bongbong Marcos na kapag siya ang naging pangulo ay wawakasan niya ang endo o contractualization ng mga manggagawa.


Sapol na naman ang tatay ni vice-presidential candidate Sara Duterte sa sinabing ito ni BBM kasi ang isa sa campaign promise noong 2016 presidential election ni P-Duterte ay wawakasan niya ang endo, kaya lang nang maging pangulo at nasa harapan na niya ang panukalang batas na Security of Tenure Bill na magbibigay-proteksyon sana sa mga workers, eh, mantakin ninyong biglang ni-reject, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DAPAT MAY BATAS LABAN SA MGA NAGLALABAS NG PEKENG SURVEY–

Dapat may gumawa ng batas na magpapataw ng parusa sa mga survey firms na naglalabas ng pekeng resulta ng survey.


Gawin ang pagsasampa ng kaso pagkatapos ng eleksyon, na ibig sabihin, kapag natalo sa halalan ang kandidatong palaging top sa survey, d’yan na dapat sampahan ng kaso ang mga survey firms na naglabas ng pekeng survey.


Kapag may nakulong na riyan, siguradong sa susunod na maglabas ng survey ang mga ‘yan, hindi na pekeng survey ang kanilang isasapubliko, kundi ‘yung totoong pulso na ng mamamayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page