top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

BBM, tinabla ang kandidatura ni Robin Padilla

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 19, 2022



ROBIN PADILLA, TABLADO KAY BBM–Matapos i-endorso ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio si Robin Padilla na pang-12 sa senatorial line-up ng BBM-Sara tandem, agad itong kinontra ni BBM at sinabing hindi kasama ang aktor sa kanilang senatorial lineup.


Dahil kinontra ito ni BBM, kaya’t ang tanong: ano kaya ang dahilan at tablado si Robin kay Marcos? Abangan!

◘◘◘


NAG-“THANK YOU” NGA SI LACSON KAY YORME, PERO THANK YOU NA PANSOSOPLA–May ng bahid pansosopla ang pasasalamat ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa sinabi ng kapwa niya presidential candidate na si Mayor Isko Moreno na kapag nanalo siya ay ia-appoint niya bilang anti-corruption czar ang senador.


Ayon kay Lacson ay “thank you”, pero ang problema, paano kung siya ang manalong pangulo, paano siya ia-appoint na anti-corruption czar ni Isko? Boom!


◘◘◘


LENI, ISKO, PACMAN AT LACSON, DEDMA SA HATAW NA RATING NI BBM SA SURVEY–Kapuna-puna na dedma lang sina Vice-Pres. Leni Robredo, Yorme Isko, Sen. Lacson at Sen. Manny Pacquiao sa magkasunod na survey ng Pulse Asia at SWS na hataw sa rating si BBM.


Kunsabagay, may dahilan naman silang dedmahin ito dahil ang aktwal na halalan ay sa May 9, 2022 pa.


May nangyari na rin kasing ganyan sa survey ng Pulse Asia at SWS noong 2016 presidential election, talagang hataw din noon sa survey si dating VP Jejomar Binay, may news pa nga na unbeatable raw si Binay, pero nang matapos ang bilangan ng boto, si P-Duterte ang nanalo na pumapangalawa at minsan ay pumapangatlo sa survey, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page