BBM, sure nang 'manok' ni P-Du30 dahil pabor din sa online sabong
- BULGAR
- Apr 1, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 1, 2022
HINDI LANG SI P-DUTERTE ANG PABOR SA ONLINE SABONG, KUNDI PATI ANG TANDEM NA BBM-SARA – Sabi ni P-Duterte ay hindi raw niya ipapatigil ang operasyon ng online sabong dahil mahigit P650 milyon tax daw ang naiaambag nito sa pamahalaan monthly, at ayon naman kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos ay kapag siya ang naging presidente ay hindi niya ipapahinto ang online sabong, at ipapa-regulate lang daw niya ang ilan sa mga operasyon nito, at nauna r'yan ay sinabi ni vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte noong Abril 2021 na pabor siya sa online sabong kasi kailangan daw ng dagdag na revenue ng Davao City.
Dahil nagkakaisa sila ng pananaw sa online sabong, parang nakikita na natin na si BBM (Bongbong Marcos) ang gagawing 'manok' ni P-Duterte sa presidential election. period!
◘◘◘
AYAW NI ENRILE MAGING PRESIDENTE SI LENI KASI BAKA HINDI NA MAKALAYA SI GIGI REYES? – Sa kabila na maraming Kakampink ang dumalo sa people's rally ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo sa Cagayan, ay sinabi ni former Sen. Juan Ponce Enrile na hindi raw mananalo sa kanilang lalawigan ang Bise Presidente.
Sa totoo lang, ayaw ni Enrile maging presidente si Leni kasi kapag ito ang naging pangulo ay tiyak tuluyan nang hindi makakalaya ang napabalitang "sweetheart" diumano niyang si Gigi Reyes na nakulong dahil sa pork barrel scam, boom!
◘◘◘
BAKA MALASIN SI ENRILE KAPAG SI VP LENI NAGING PRESIDENTE – Ang kasong plunder na kinasasangkutan ni Enrile na may kaugnayan sa pork barrel scam ay hindi pa tapos, na ang ibig sabihin hindi pa siya absuwelto sa kasong ito, na kaya lang naman siya nasa laya ngayon ay dahil nakapagpiyansa siya.
Kaya kapag si Leni ay naging presidente, naku, ay baka malasin si Enrile kasi kapag napatunayan sa Sandiganbayan na siya ay guilty, baka kahit matanda na siya ay masadlak pa siya sa rehas na bakal, saklap!
◘◘◘
PASUGALAN NAGKALAT NA SA LUGAR NINA GOV. REMULLA AT COL. ABAD? – Nagkalat na naman daw ang mga color games at drop balls sa Cavite.
Grabe na raw sa rami ang pasugalan sa teritoryo ni Gov. Jonvic Remulla, kasi bukod sa may mga Perya ng Bayan-con jueteng na, may lotteng at STL-bookies pa, ngayon pati mga color games at drop balls, nagkalat na rin.
Tila yata pakuya-kuyakoy lang daw sa kanyang tanggapan si Cavite PNP Director, Col. Arnold Abad kaya sobrang dumami na mga pasugalan sa kanyang nasasakupan, tsk!





Comments