BBM-Sara mas lumalakas pa, mga nasa laylayan lalong nabobokya
- BULGAR
- Apr 5, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 5, 2022
NANGANGANIB na rin ang operasyon ng International Space Station (ISS) na magkakatuwang na itinataguyod ng US, Russia, Europe, Japan at iba pang bansa.
Kumalas na ang Russia kaya’t maaaring magsibagsak na ang ilang satellite.
◘◘◘
KASI naman ay aktuwal na apektado ang ekonomiya ng US at walang duda na apektado siyempre ang kanilang space technology.
Ang Russia ba ng dapat sisihin?
◘◘◘
TUMATANGGI ang buong Europe na magbayad ng Russian currency na ruble kapalit ng suplay ng gas.
Halos 40 porsiyento ng suplay ng gas ng Germany at iba pang bansa sa Europe ay nagmumula sa Russia.
Anumang araw ay magkakaroon sa Europe ng energy crisis. Kasalanan ba uli ng Russia?
◘◘◘
LAGING sinisisi ng international press ang Russia gayong kapitbahay na Ukraine lang ang in-operate nila at hindi naman sila kasama sa sumakop sa Afghanistan, Iraq, at Libya at nagmasaker ng mga sibilyan dito.
Mahilig manisi ang mga kritiko.
◘◘◘
HINDI na ngayon nagkakalayo ang buhay-pulitika nina ex-Sen. Bongbong Marcos at Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez.
Ang kasalanan ba ng tatay ay kasalanan ng anak?
Paano makakadepensa ang isang namatay nang tao sa isang akusasyon na hindi naman niya kailanman ginawa?
◘◘◘
SINISISI ang tatay ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos pero hindi naman siya kandidato sa Mayo at matagal na itong yumao.
Sinisisi naman ng Asenso Manilenyo ang matagal nang naglingkod sa Maynila at matagal na ring yumao na si Manila Mayor Mel Lopez sa bentahan ng Divisoria Market.
◘◘◘
INAAKUSAHAN si Meyor Lopez na masyadong mababa ang halaga ng siningil ng city hall sa mga vendors kaya nalulugi ang Divisoria Market. Maliit ang singil, kasi ‘yun ang kalakarang presyo ng mga panahong iyon.
Dahil maliit ang singil sa vendors, ibinenta na lang ni Yorme ang palengke sa pribadong korporasyon.
◘◘◘
KINONDENA ni Atty. Lopez ang pagdawit ng Asenso Manilenyo sa pangalan ng yumaong ama.
Nakabababa umano ito ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan.
◘◘◘
LIHIM na sinisira ngayon ng ilang grupo ang pangalan ng dating alkalde na nagsilbi noon pang 1986 hanggang 1992.
Marami pang alkalde ang naupo sa Maynila mula noon kaya’t hindi siya dapat idawit sa bentahan ng Divisoria Mall sa panahon ng pandemic.
◘◘◘
BUMALIKTAD na rin ang haligi ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) sa Tarlac dahil sinuportahan ang tandem nina BBM at Sara.
Inendorso ng mag-asawang sina Rep. Apeng Yap at Gov. Susan Yap ang UniTeam kaya’t namula ang dating kulay rosas na lalawigan nina Kristeta, Noy at Tita Cory.
◘◘◘
HABANG lumalapit ang eleksyon, lumalakas pa ang BBM-Sara tandem.
Ang mga naiiwanan naman sa laylayan ay lalong nabobokya.
Normal lang ‘yan, kahit sa karera ng bisikleta ay ganyan din.
Mahalaga ay makaabot lang sa finish line, nakakahiya naman kasi sa sponsors.








Comments