top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BBM, mas sumikat sa pandededma sa interview ni Jessica Soho

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 26, 2022



LALONG pinag-usapan si BBM nang hindi dumalo sa panayam ni Jessica Soho.


Nagsisisi naman ang mga dumalo kasi sinira ang kanilang diskarte sa mga dispalinghadong tanong.

◘◘◘


DADALO na si BBM sa ibang interview program.


May opsiyon siyang pumili kung saan dadalong programa.


◘◘◘


MAY limang NPC senatorial candidates pero magkakahiwalay ang loyalty.


Sina Chiz, Loren at JV ay nanatili sa kandili ng NPC.


◘◘◘


NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act”, kung saan si Doktora Helen Tan ng Quezon ang principal author.


Sa batas na ito, magtatatag ng National Authority for Child Care (NACC) na magiging attached-agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


◘◘◘


SINABI ng governatorial bet na si Doktora Helen Tan na layunin ng batas na magkaroon ng ahensiya na nakatutok sa maayos, mabilis at tamang proseso ng pag-aampon.


Isa sa mga layunin nito ay matulungan ang mga nais mag-ampon sa mas mabilis na proseso.

◘◘◘


BINANSAGANG “The Gov Doctor” si Dra. Helen dahil kaliwa’t kanan ang proyekto sa kanyang distrito kasama ang mga imprastraktura.


Bilang doktor, suportado niya ang mga pangangailangang medikal ng kanyang constituents kabilang ang libreng oxygen.


◘◘◘


KAUGNAY pa rin ng kalusugan, nakalusot na Vape Bill o ang panukala tungkol sa importasyon regulasyon, manufacturing, pagbebenta at packaging ng vaporized nicotine and non-nicotine products lumusot sa bicameral conference committee.


Nakatakdang lagdaan ni PRRD bilang batas ang Vape Bill pero kinokontra ito ng medical community.

◘◘◘


NAGKAKAISA ang iba’t ibang grupo ng mga doktor sa panawagan kay PRRD na i-veto ang Vape Bill.


Ayon kay UP College of Medicine professor Doctor Tony Dans, malaking banta sa public health ang Vape Bill, dahil hihikayatin nitong malulong sa vapes o e-cigarettes ang mga Pinoy.

◘◘◘


UMABOT na sa 59 medical associations ang nananawagan kay Pangulong Duterte na ibasura ang Vape Bill.


Kasama sina Doctor Benito Atienza, pangulo ng Philippine Medical Association; Doctora Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians; at Doctor Yul Dorotheo, at executive director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance.


◘◘◘


MAGING si dating Speaker Alan Peter Cayetano ay nag-aalboroto na rin sa pagmamadaling isabatas ang Vape Bill.


Ang tanong nga ni Cayetano, bakit inuuna ng Kongreso na isabatas ang mga panukala na maituturing na habit forming kaysa sa mas maigting sanang pagtugon ng gobyerno sa kaliwa’t kanang problemang dulot ng COVID-19.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page