BBM, ‘di iendorsohin ng PDP-Laban?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 23, 2022
MAYOR SARA, ‘KJ’ SA KABATAAN–Batikos ang inabot ni vice-presidential candidate, Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang statement na dapat tigilan na ang mga paliga, pageant, dance contest at iba pang competitions sa kabataan tuwing piyesta sa mga barangay dahil nasasayang lang ang pondo ng gobyerno, at sa halip ay mas mainam na isalang ang kabataan sa mga disaster preparedness training program.
Napaka-KJ o “kill joy” naman ni Mayor Sara kasi once a year na nga lang nagkakaroon ng ganyang kasiyahan ay pinag-iinitan pa.
Dapat bawiin ni Mayor Sara ang statement kasi kapag pinanindigan niya ay malamang, ibasura ng kabataan ang kanyang kandidatura for vice-president, boom!
◘◘◘
HINDI NA IKINAGULAT NG PUBLIKO ANG PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN KAY MAYOR SARA–Hindi na ikinagulat ng publiko ang pag-endorso ng partidong PDP-Laban sa kandidatura for vice-president ni Mayor Sara.
Ang chairman kasi ng PDP-Laban ay si P-Duterte na erpat ni Mayor Sara kaya hindi talaga kagulat-gulat ang balitang ‘yan kasi natural-mente na susuportahan ng ama ang kandidatura ng anak, period!
◘◘◘
ANG NAKAGUGULAT AY ANG HINDI PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN KAY BBM–Ang ikinagulat ng publiko ay ‘yung si Mayor Sara lang ang sinuportahan ng partido ni P-Duterte at hindi kasama si former Sen. Bongbong Marcos na ka-tandem ng presidential daughter.
Ibig bang sabihin niyan ay talagang ayaw ni P-Duterte kay Marcos kaya anak lang niya ang inindorso ng kanilang partido?
Naku, dapat mag-isip-isip si P-Duterte kasi kapag tuluyang ibinasura ng kanyang partido ang kandidatura ni Marcos, baka rumesbak ang mga loyalista at ibasura naman ang kandidatura ni Mayor Sara, boom!





Comments