BBM at Mayor Sara, napakalakas na tambalan
ni Ka Ambo - @Bistado | December 02, 2021
UMATRAS nang tuluyan si Sen. Bong Go.
Mainam at natuto silang tumanggap nang mapait na katotohanan!
◘◘◘
NANINIWALA tayo sa ikinatwiran ni Go.
Wala sa kanyang orihinal na plano ang kumandidatong pangulo!
◘◘◘
AKTUWAL na pinaghandaan lang ni Go ay kumandidatong pangalawang pangulo.
Inaakala niyang makukumbinse niyang kumandidatong pangulo si Mayor Sara, pero hindi nagkatotoo!
◘◘◘
DAPAT nating maunawaaan na hindi lahat ng llamado ay nagwawagi.
Makararanas ang llamado ng tinatawag na “inner pressure”.
Ito ay dahil sobrang aga ng pag-peak!
◘◘◘
SAKALING maging pangulo, tipikal na matitikman ni BBM ang sinasabing “buwenas”.
Bakit buwenas?
Ang talagang pinamahigpit na karibal ni Marcos sa presidency ay si Mayor Inday, pero imbes na kumasa, nakipag-isang puwersa na lamang!
◘◘◘
MALAKING papel ang ginampanan ng utol ni BBM na si Sen. Imee.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Madame Imee ang lihim na umalalay kay P-Digong sa huling presidential election!
◘◘◘
PERO, hindi si P-Digong ang naging BFF ni Sen. Imee, bagkus ay si Mayor Inday.
Madalas pumapasyal si Sen. Imee sa Davao, pero nakikipagtsikahan lang siya kay Inday — at nagbunga ito nang “super-ganda”!
◘◘◘
KUNG makababalik man sa Malacañang ang Pamilya Marcos, ito ay dahil sa karisma ni Sen. Imee.
Siyempre, hindi puwedeng alisin ang mismong karisma at dambuhalang suwerte ni BBM!
◘◘◘
KUNG nakasubaybay kayo sa mistikong numerolohiya ni Maestro Honorio Ong, madali ninyong sasabihin na ang mga ipinanganak sa petsang “trese” ay may pambihirang buwenas kumpara sa ipinanganak sa ibang petsa.
Kumbaga, kahit ang mga pusakal na sugarol — ay umiiwas sa mga “binubuwenas” na tao.
At isang eksampol si Sen. Go.
Play safe, very safe si Go sa kanyang last decision!
◘◘◘
MAAARING komunsulta si Go sa mga manghuhulang Tsekwa.
Alam ba ninyong ang huling two-digit sa susunod na taon ay “22”.
Kapag sinuma ‘yan ay “4” ang lilitaw — ‘yan mismo ang numero ni BBM — dahil ang 13 — na petsa ng kanyang kaarawan — ay sumatotal na kuwatro rin — one plus three ay katumbas ng “4”!
◘◘◘
PERO, alam ba ninyong nagkamali ng pili ng numero ang kontra-pelo ni BBM na si VP Leni.
Imbes na yellow, gumamit siya ng weak color na pink.
Alam natin na ang “pink” ay pinakupas na “red” — mas matingkad ang red kaysa sa pink!
◘◘◘
NAGKAMALI si VP Leni sa pagpili ng pink, dapat ginamit niya ang orihinal na kulay ng kanyang grupo — ang “yellow”.
Bakit?
Ito ay sumisimbolo sa “4”.
Ibig sabihin, hindi mabibiyayaan ng buwenas ng yellow si Robredo na tangay-tangay din ng numerong “doble-dos”!
◘◘◘
PINATITINDI ang buwenas ni BBM sa pagsanib ni Mayor Sara na gumagamit naman ng green.
Sa totoo lang, green ang kulay na dala-dala ng numero dos.
May tatlong “2” sa 2022!
◘◘◘
MALINAW kung gayun na perfect ang pagsasanib ni BBM at Inday.
Epektibo ang kanilang kombinasyon na hinihigop ng 2022!





Comments