Bawat sentimo sa kaban ng bayan, mahalaga, huwag sayangin, ‘wag nakawin
- BULGAR
- Nov 25, 2022
- 1 min read
@Editorial | November 25, 2022
Ngayong araw inaasahan ang Bicameral conference committee meeting ng House of Representatives at Senado kaugnay sa proposed P5.268 trillion national budget para sa fiscal year 2023.
Gagawin ang Bicam meeting sa Manila Polo Club sa Makati City.
Magpupulong ang House at Senate contingent na layong i-harmonize ang mga disagreeing provisions ng dalawang chambers sa kanilang mga version sa General Appropriations Bill (GAB).
Una nang inaprubahan ng Kamara ang kanilang version ng GAB noong Setyembre 30, 2022 habang ang Senado ay inaprubahan naman ang kanilang version nitong Nobyembre 23.
Tuwing sumasailalim sa pagbusisi ang ating national budget, walang ibang hangad ang mamamayan kundi ang mailaan ito sa makatuwiran at karapat-dapat na gastusin. Batid naman natin kung gaano kalala ng sitwasyon dulot ng pandemya na sinasabayan ng kalamidad at krisis. Kaya bawat sentimo mula sa kaban ng bayan ay napakahalaga. Huwag sayaning at lalong ‘wag nakawin.
Panahon na para mas paigtingin ang transparency sa pondo ng bayan. Sana ay may magawang paraan ang gobyerno para mas madaling makita at maunawaan ng publiko kung paano nga ba ginagastos ang kaban ng bayan.



Comments