Bawas-singil sa kuryente sa Oktubre — Meralco
ni Lolet Abania | October 10, 2022

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Lunes na may pagbaba sa kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre, sa harap ng mas mababang feed-in-tariff allowance at generation charges sa nasabing period.
Ayon sa Meralco, ang overall rate sa October billing para sa tipikal na tahanan ay may tapyas na P0.073 kada kilowatt-hour (/kWh) na aabot sa P9.8628/kWh mula sa P9.9365/kWh noong Setyembre.
Ang pinakabagong adjustments ay katumbas ng tinatayang P15 bawas sa kabuuang singil sa kuryente ng mga customers na kumokonsumo ng 200 kwh, P22 sa kumokonsumo ng 300 kwh, P29 sa kumokonsumo ng 400 kwh, at P36 sa kumokonsumo ng 500 kwh.
Naiugnay naman ng Meralco ang pagbaba nito sa pagbabawas ng feed-in-tariff allowance kung saan natapyasan ng 6.19 centavos/kWh, matapos na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay inaprubahan ang mas mababang koleksyon simula Oktubre.
Ayon din sa Meralco, “Generation charges for the month were also reduced by 2.01 centavos/kWh to P6.9192/kWh from P6.939/kWh in the past month, owing to lower costs from the company’s supply contracts.”
“The lower IPP (independent power producer) and PSA (power supply agreement) charges were able to more than offset higher charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM),” pahayag ng Meralco sa isang emailed statement.





Comments